Tony Stark Ng Tawalisi

$\mathbf{k} = \hat{\mathbf{E}} \times \hat{\mathbf{B}}$, $\tau = (\exists! \, \text{Allah}, \, \text{Rasūl}(\mu), \, \text{Walī}(\alpha))$, $\delta S = 0$

“Ang Maganda sa Bagong Daan na Tatahakin”

Opisyal na ang aking resignation at sa July ang aking exit sa kumpanya. Ang kinagandan nito ay maliban sa masisimulan ko na maghanap ng angel o pre-seed investor ay makaka full-time ako sa aking pag-aaral ng hindi mag conflict sa schedule ng trabaho. Ibig sabihin ay full time na ako next semester at baka nga makapag-overload pa ako ng units at hindi tulad ng nakaraan na iilang units lamang.

Sa kabilang banda naisip ko baka pwede naman ako mag-avail ng mga scholarship sayang din kung pasok naman ako upang wala masyadong gagastusin sa pag-aaral.

Ang nakikita ko sa bagong daan na aking tatahakin ay kalayaan, una sa aking oras, at pangalawa sa pinansyal dahil sigurado ako sa ideya ko sa pag found ng startup company dahil halos lahat ng may mga critical na data sa kanilang mga software at information system ay mangangailangan ng solusyon na syang aking ideya at ang bagay na ito ay mamayagpag o mananatili sa loob ng 20 hangang 40 years on average at iba pa ang mga plano para sa defense systems. Sa kabilang banda ay kasama din ang enerhiya ngunit dahil hindi pa ako tapos sa aking BSEE ay marapating ihanda lamang ang planong ito.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Nabawasan Ang Sakit sa Tuhod, Ang Balita sa Ideya, at Balik sa Paglutas ng mga Problemang Pansanay as Integral Calculus at Physics”

Matapos ako magpahinga at pinatong ko ang likuran ng aking tuhod sa unan ay medyo nabawasan na ang sakit.

Kelangan ko baguhin muli ang aking gait sa takbo dahil nawala na ang forefoot landing ko at naging midsole na ito kaya din nawala ang sakit sa calves kada takbo ko at napunta sa tuhod dahil andun ang pressure dahil narin sa pagbabago ng gait.

Sa kabilang banda ay dalawa ang ideya na kelangan gawan ng MVP. Ang una ay may malinaw na na roadmap. Pero sa pangalawa naman ay nasa mas maagang conceptualization palang ito at kahapon lamang ay nagulat ako sa nakita ko sa balita sa teknolohiya dahil may gumawa na ng pangalawang ideya ko. Masasabi ko na bago ko pa man din malaman ang pangalawang ideya ay pinag-aaralan na ito dati pa.

Pagdating sa market lalo na sa mga bagong produkto o services, kung sino ang mauuna ay madalas sya ang may malaking hawak sa market share kaya din kelangan magmadali para sa pangalawang ideya dahil may mga kalaban ako sa market patungkol dito.

Sa ngayun ay balik muna ako sa paglutas ng mga problemang pangsanay sa integral calculus at physics.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“10km Takbo, Tahimik na Dalapasigan, at Mas Matinding Init ng Taon”

Kanina bago ang tanghali ay nabuo ko ang 10km run sa ilalim ng init ng araw ngunit sumakit ang aking tuhod kaya naman ako ay iika-ika. Inabutan narin ako ng gutom kaya kumain ako sa isang turo-turo ng adobong kangkong na may tokwa.

Sa dulo sa Binmaley area nang matapos ko ang 10km ay sumilong muna ako sa ilalim ng puno at napansin ko habang nagpapahinga na ang dalampasigan ay tahimik. Walang alon at kakaiba dahil bihira ko makita ang dalampasigan sa Lingayen at Binmaley na walang alon. Marami din ang mga bisita at mula Lingayen hanggang Binmaley ay maraming turista upang maligo sa dalampasigan.

Sa aking pakikipagkwentuhan sa tindera ng mga pagkain sa turo-turo, at sa aking nasakyan na tricycle ay nabanggit nila mas mainit ang taon ngayun kumpara nuong nakaraang taon at mas masakit daw sa balat ang init ngayun. Totoo naman dahil dama ko rin ang pagkakaiba sa taon ngayun kumapara sa nakaraang taon pagdating sa init ng panahon.

Sa isang banda naman ay may kaibigan akong babae na taga Caribbean at sila duon ay tinataaman din ng heatwave kaya't nagpaalala ako sa aking kaibigan na mag ensayo upang mapalakas ang kanyang puso dahil ang magiging mga casualty sa takbo ng mga darating pang mga taon ay ang mga may mahihinang mga puso.

Hindi ko masabi kung ano ang mathematical relationship ng init ng panahon sa sukat ng trabaho ng puso, kung ito ba ay linear or exponential basta ang alam ko lang ay mas matindi ang trabaho ng puso ng isang tao pag mas mainit ang klima.

Pahinga muna ngayun dahil masakit ang aking tuhod.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Tuloy Ang Resign”

Hindi na nag align ang mga nangyayari. Tuloy na ko sa resignation at ito narin ang hudyat na talagang pagtuonan na ng oras ang paghahanap ng investor upang masimulan ang planong pagtayo ng kumpanya. Small steps muna.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Natutuwa Ako Para sa Dalawang Senador na Nanalo”

Katatapos ng eleksyun at dalawa sa senador na gusto ko para sa kanilang mga pwuesto ay nahalal at sila sina Senator Imee Marcos at Senator Ping Lacson.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Nagbago Ang Isip sa Resignation”

Nagbago ang aking isipan patungkol sa pag resign at naisip ko kaya ko naman hanapan ng investor ang aking naiisip na business patungkol sa defense at in particular ay security ng mga softwares habang nagtratrabaho pa ako sa kumpanya at kahit ang pag gawa ko ng MVP ay kaya naman mag isa sa bakanteng oras at kung sakaling kelangan madaliin ay pwede naman ako mag hire ng isa o dalawang engineer na mag iimplement ng aking MVP.

Sa isang banda ay upang hindi rin masayang ang investment ng kumpanya sakin, upang hindi rin sila mahirapan humanap ng aking kapalit, at upang matulungan ko pa ang team namin na harapin ang mga masalimuot na mga hamon sa mga proyekto.

Lalo din na malaking posibilidad na baka kelanganin ko ang kumpanya sa hinaharap upang makautang ako ng pondo para sa mga malalaki pang mga proyekto sa depensa sa hinaharap na tutulong sa depensa ng Europa.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Pagkakamali sa Exponent Distribution Over Polynomials na May Degree 1 at Pataas”

Ang aking buong akala na ang matematikang pahayag na ito

$$ \sqrt{4 – x^2} $$

ay maaring isulat bilang $(4 – x^2)^{\frac{1}{2}} = 4^\frac{1}{2} – x$, at hindi pala ito pwede. Isang bagay na aking nakaligtaan sa Algebra at hindi na naalala pa kaya naman ang binomial theorem

$$ (a + b)^n = \sum_{k=0}^{n} \binom{n}{k} a^{n-k} b^k $$

kung susuriin ito mabuti ay lumalabas na

$$ (a+b)^2 \neq a^2 + b^2 $$

Napagtanto ko ito kanina lamang sa paglutas ng definite integrals gamit ang First Fundamental Theorem of Calculus kung saan

$$ \int_a^b f(x) \, dx = F(b) – F(a) $$

$$ = F(x) \bigg|_a^b $$

at ang problemang nasa libro ay ang

$$ \int_{-2}^2 \ \sqrt{4 – x^2} \, dx $$

na nangangailangan ng kaalam sa geometry ay trigonometry.

Mas maganda na simple lamang ang mga bagay na kakailanganin kung nalulutas naman ang isang problema ng simpleng pamamaraan kaya't marapting gamiting ang insight sa geometry. Ang equation ng circle kung saan ang radius $r$ ay nasa origin $(0, 0)$, heto ay $x^2 + y^2 = r^2$ at ang integrand sa problema ay $\sqrt{4 – x^2}$ kung saan mapapansin na ang expression na ito ay derived mula manipulation ng equation ng circle

$$ x^2 + y^2 = r^2 $$

$$ y^2 = r^2 – x^2 $$

$$ y = \sqrt{r^2 – x^2} $$

at mapapansin ang halintulad ng integrand sa na derive na equation na ito kaya ang $4$ sa loob ng radical sign ay syang $r^2$ sa na manipula na equation ng circle.

Ang integration ay mula sa lower limit ng $-2$ hanggang sa upper limit ng $2$ kaya ang centro ni ay ang origin. Ang function $f(x)$ na nagsisilbing integrand ay maiproproject sa y axis at dahil positive ito ay nasa taas ng origin ng y-axis. Samakatwid ang definite integral na hinahanap dito ay ang area ng itaas na kalahating bahagi ng circle at dahil ang formula sa area ng circle ay $\pi r^2$, ang kalahti naman ay $\frac{1}{2} \pi r^2$.

Isa namang dapat din mapagtanto sa problemang ito ay pasok ito sa katangian ng integration ng even function dahil ang ating $y=\sqrt{4-x^2}$ ay isang even function at mapapatunayan ito sa pamamaraang

$$ f(x) = \sqrt{4 – x^2} $$

$$ f(-x) = \sqrt{4 – x^2} $$

at mapapansing hindi nagbago ang function $f(x)$ mapa positive o negative man ang $x$ at dahil dyan ang integral sa limits at ang value ng definite integral ay magbabago din at magiging

$$ 2 \, \int_0^2 \sqrt{4 – x^2} dx \quad. $$

Ang katangian ng even function ay nangangahulugan na may symmetry sa magkabilang tabi ng y-axis na para itong salamin ng kabila. Ang katangian naman ng odd function ay para sa symmetry ng origin ng isang coordiante system at ito ay rotational symmetry ngunit para lamang ito sa mga rotation na $180^\circ$ at pag lumagpas ito sa ganitong range ay may masisira sa definition ng function patungkol sa mapping ng domain papunta sa range at dahil dito ay hindi maituturing na symmetry ang lalagpas sa $180^\circ$.

Balik tayo sa tamang sagot sa definite integral na $2 \, \int_0^2 \sqrt{4 – x^2} dx$ at ito ay isa sa mga problemang mahirap ma solve algebraically kaya't importante na alam ang mga insights patungkol dito galing geometry o trigonometry at sa pagtala ko ngayun patungkol dito ay pinili ko ang insight galing geometry. Siguro sa sunod ay maitatala ko ang patungkol sa insight galing trigonometry nito. Dahil alam na natin na ang function sa loob ng integral o ang integrand na $y = \sqrt{4 – x^2}$ at ay nasa ganitong form ng equation ng circle $y^2 = r^2 – x^2$ ay alam narin na $r=2$. Ang formula sa area ng circle ay $\pi r^2$ ngunit dahil kalahati lamang ng circle ang ating nilulutas ayun sa sign ng integrand function na positive, ang area ay magiging kalahati din at ito ay $\frac{1}{2} \pi r^2$. Ngunit dahil ang bagong integral dala ng symmetry sa y-axis ay nahati ito sa dalawa kaya nga ang lower limit kung mapapansin ay naging $0$ imbes na $-2$ sa orihinal na form ng integral kanina ngunit ang paghati na ito sa integral ay sya namang conserved parin sa equation dala ng pagkakaroon ng constant $2$ sa labas ng integral. Ibig sabihin ang area ngayun ay nagi ng $\frac{1}{4} \pi r^2$.

Samakatwid, ang sagot sa definite integral natin na $2 \int_0^2 \sqrt{4 – x^2} dx$ ay

$$ 2\, \frac{1}{4}\pi 2^2 \bigg|_0^2 $$

$$ = \left[ 2\cdot \frac{1}{4} \pi (2^2) \right] – \left[ 2\cdot \frac{1}{4} \pi (0^2) \right] $$

$$ = \left[ 2\cdot \frac{1}{4} \pi (2^2) \right] – [0] $$

$$ =2\pi $$

Ang mahirap lang sa mga ganitong problema ay kung sanay ka lang sa algebraic methods pero kulang ka sa geometry at trigonometry, hindi mo ito ma sosolve. Hindi ko rin alam paano ito lutasin kaya sinaliksik ko muna ito dahil na curious ako kung bakit hindi sakto ang aking sagot sa sagot sa libro.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Sabadong Abala”

Tanghali na ako nagising kaya naman madali akong nananghalian at matapos ay diretso akong nagpalikuran at kasunod ay wudu at ghusl upang maka salah ako ng Fajr at ng Dhur. Matapos ang wudu at ghusl ay konting pahinga at mag-aaral.

Madaliang review ng mga naaral sa integral calculus gamit ang basic integral rules na ginagamit sa definite at indefinite integrals at matapos ito ay sunod na review ang integrals na nauwi sa logarithmic functions at mga integrals na nauuwi sa exponential functions. Sunod dito ay ang review naman ng trigonometric identities at integration ng trigonometric functions.

Matapos ang review ay gawin ng mabilisan ang mga problemang pangsanay at mga assignment upang maipasa na ito at makatuon na sa mga bagong paksa sa sunod na mga araw.

Sa physics naman ay kelangan matapos ang aral sa conic pendulum problems at banking curves problems at sunod ay mabilisang review sa mga nakaraang mga paksa at ang huling gagawin ay tapusin na ang problemang pangsanay para sa paksa ng gravity at ng uniform circular motion.

Malamang mga gabi na ako makakatakbo para sa 21km long distance run at mag ensayo din ng sining pangdigma.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Tamang Lathala ng Mayong Isyu ng IEEE AESS Magazine”

Itinama na ang link para sa Mayong isyu ng IEEE AESS Magazine at may dalawang paksang tinalakay dito ngunit masyadong akong busy pero sana may time at mabasa ko ang mga ito.

Sa kasalukuyan ako maghahanda muna ako sa malayuang takbo ngayung gabi.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Webinar Registration Confirmation: Optimizing Wireless Power Transfer Systems Through Simulation”

May parating na webinar itong gabi ng ika-dalawaput dalawa ng Mayo patungkol sa simulation ng Pag-optimize ng Wireless Power Transfer System gamit ang Comsol na software at ang sumusunod ang detalye ng webinar:

May 22, 2025 | 2:00 PM EST

Inductive wireless charging works by generating a magnetic field between two coils — a transmitter and a receiver — to transfer energy without physical contact. Wireless power transfer (WPT) technology is revolutionizing how energy is transmitted in various industries. By enabling power delivery without physical connections, WPT is attractive for use in applications such as electric vehicle charging, consumer electronics, medical implants, and industrial automation. Achieving efficient and reliable power transfer requires careful optimization of coil design, resonance tuning, and electromagnetic field control.

In this webinar, Dr. Nirmal Paudel will demonstrate how simulation-driven design can enhance the performance and efficiency of WPT systems. This event will cover key modeling techniques with the COMSOL Multiphysics® software for predicting electromagnetic behavior, optimizing coil configurations, and assessing power transfer efficiency. The presentation will highlight practical strategies to improve system performance, reduce energy losses, and address critical design challenges in WPT applications.

This webinar is ideal for engineers, researchers, and product development teams looking to deepen their understanding of WPT technology and improve design outcomes through simulation.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™