Tony Stark Ng Tawalisi

$\mathbf{k} = \hat{\mathbf{E}} \times \hat{\mathbf{B}}$, $\tau = (\exists! \, \text{Allah}, \, \text{Rasūl}(\mu), \, \text{Walī}(\alpha))$, $\delta S = 0$

“Debate Tungkol sa Function na $\frac{1}{x} $, $x = 0$”

Nagkaroon kami ng debate sa metaverse ng makita ko ang kaibigan na tagal Alemanya na nag-aaral ng PhD Physics at ito ay patungkol sa definition ng function kaya ito ay nauwi sa diskusyon patungkol sa $f(x)=\frac{1}{x}, x=0$.

Ang debate ay nakasentro sa claim na ang $\frac{1}{0}$ ay undefined at dahil dun ay infinite. Sinabi din na wala sa $\mathbb{R}$ ang $\frac{1}{0}$ at maliban sa claim na infinite ay sinasabi din na nasa isang number set ito outside ng $\mathbb{R}$.

Ang aking panig naman dito ay ang function na $\frac{1}{x}$ ay totoong function ngunit ito ay discontinous sa $x=0$ dahil undefined ang division ng zero sa mathematics at dahil undefined ay hindi rin ito pwede mag exist sa ibang number system set. Hindi rin maituturing na infinite ang $\frac{1}{0}$ dahil ang infinity ay defined samantalang ang division by zero ay undefined. Ang $\frac{1}{0}$ ay hindi rin parehas sa $\frac{1}{x}$ kung saan may $|x-0| \lt \epsilon$ kahit gaano pa kalapit ang approximation ng $x$ sa $0$.

Naalala ko itong ganitong problema nuong nasa isang kumpanya ako sa Quezon City ilang taon bago nangyari ang pandemic. Sa mga panahon na iyun at nagkaroon ng pagkakataon na inilipat ako at ang isang katrabaho sa isang proyekto na ang buong akala namin ay Microsoft technology stack dahil pinagtraining kami ng management ng VB.Net mula sa paggamit ng Java sa backend.

Sa training ng VB.Net ay lumabas ang ideya ng mathematical return na “infinity” sa division by $0$. Nagkataon din na ang nagturo nuon ay isang Software Engineer na may degree sa BS Computer Science At BS Electrical Engineering. Sa kanyang paliwanag na $\frac{1}{0}$ ay infinite dahil ginamitan nya ito ng concept ng limit sa calculus. Tama naman na ang limit ng function $\frac{1}{x}$ as $x$ approaches $0$ is positive infinity pero hindi parin $0$ ang approximation ng $x$ papuntang $0$.

Dahil sa paliwanag na ganun ng trainor ay nagduda at nang matapos ang training at nag saliksik ako patungkol sa bagay na iyun dahil logically hindi tama ang paliwanag. Lumalabas na tama ang aking duda.

Lumalabas din na kaya maaring hindi pabor sa mga taga engineering at scientific communities ang VB.NET ay dahil hindi akma ang kunsepto sa kanilang mathematics tulad nga ng $\frac{1}{0}$ na kung saan sa VB.Net ay tinuturing itong infinity.

Ayaw maniwala sakin ng aking kaibigan kaya kami ay huminto na dahil walang patutunguhan ang debate matapos ko inilahad lahat ng argumento. Ang naging payo ko nalamang ay mag reach out sya sa isang mathematics professor upang linawin ang problemang iyun o di kaya ay maglathala sya ng papel patungkol sa argumento na ang $\frac{1}{0}$ ay infinite at dahil wala sa $\mathbb{R}$ ay nasa labas na number system ito at marapating kanyang iprove ito.

Kanya kanyang lakas parin ng larangan. Pag nasa larangan ng Matematika ay rigid na rigid ang pagsunod sa tuntunin ng sistema. Pag sa larangan naman ng Pisika ay hindi ganun ka strikto ang pagsunod sa tuntunin ng Matematika ngunit malakas naman ang Pisika pagdating sa mundong Pisikal na sya namang kulang sa Matematika.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Katapos na Newtonian Mechanics at Ang Parating na Electrodynamics”

Ang natapos na natalakay sa aming pisika ay ang Newtonian Mechanics at sinakop nito ang kinematics at dynamics.

Masasabi ko na nakakapanibago dahil mahihirap ang mga problemang pansanay dito at nakapaka kumplikado ng mga problemang nilulutas namin dito at gamit na gamit ito para sa mga weapons development na gumagamit ng kinetic energy tulad ng mga ballistic ammunitions, artillery shells, rockets, at iba pa.

Ang susunod na grupo ng mga paksa ay ang angkop na para sa domain ng Electrical Engineering at ito ay ang Electrodynamics.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Tuloy sa Aral sa Physics At Ang Malayuang Takbo”

Kasalukuyan akong naka tuon sa aral sa Physics for Engineers at maya maya ay didiretso na sa malayuang takbo.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Private Military Contracting”

Ang isang uri ng gusto ko din gawin ay magtayo ng sariling private military contracting. Sa ibang mga services ng ganitong uri ng industriya ay mga nakagawian naman na ang mga bagay patungkol dito.

Ang isang bagay na magbabago sa ganitong uri ng sector sa depensa ay ang pamamaraan ng warfare at sa panahon ngayun ay binabantayn ko pa ang hinaharap kung mananatili nga ba ang bagong trend sa warfare sa matagalang panahon o magbabago.

Tama naman ang forecast ng US Marine Corps maraming taon na ang nakaraan bago pa ang pandemic at ng isa pang think tank sa Amerika patungkol sa pagbabagong magaganap sa mukha ng pakikidigma ngunit ang tanong ngayun itong pagbabago ba sa warfare na nakikita na ngayun sa labanan sa Ukraine at iba pang lugar ay masasabing nasa equilibrium na ba or transition palang ang mga ito para sa next wave ng technology breakthrough para sa future ng warfare.

Sa ngayun wala pa akong maayus na ideya dahil sa mga hindi kasiguraduhan na ito pagdating sa kumpanyang private military contracting.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Uri ng Aking Mga Ideya”

Ang mga uri ng aking ideya na hahanapan ko ng mga investors mula prototypes hangang tuluyang maging kumpanya at kumita ay mga uring deep tech.

Ang unang ideya na malinaw na ang roadmap ay patungkol sa seguridad ng mga software at ang mga clients nito ay ang military, government of states, at mga defense companies. Kasama din ang mga civilan enterprise na may iniingatang data. Hindi tulad pangkaraniwan na mga problema, ang problemang lulutasin ng aking ideya ay napaka kritikal at hindi ito isang ordinaryong problema sa pangseguridad ng mga software at ng mga information systems.

Ang sunod na mga grupo ng mga ideya ay may kinalaman sa mga armas ngunit mas matagal ang panahon para sa R&D ng mga ito kasama narin ang mga ideya as energy.

Lahat ng mga ideya na aking tinatahak ay mga deep tech dahil ang aking pilosopiya na hindi ako papasok sa market upang makipag kumpetisyun kung ang mga ideya ko ay hindi magdadala ng x10 na significance. Nakuha ko ang ganitong pananaw kay Elon Musk na dapat ang mga market offerings ng mga products or services ay kelangan sampung beses na mas angat sa kalidad o sampung beses ang pangangailangan dito.

Isa pa sa aspeto ng aking pilosopiya ay dapat ang mga software, hardware, at integrated systems ng dalawang ito ay dapat na maituturing na smart devices.

Pangatlong aspeto na nagdulot ng ng mga ideyas upang magmula ang mga ito sa deep tech ay ang aking pilosopiya na nasa era ang humanity ng STEM. Ito ang panahon na kung sino makaka concquer sa STEM will also conquer the world.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Papeles”

Sa kasalukuyan ay may mga importanting mga papeles ang kelangan asikasuhin at pagtuunan ng pansin.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Tindi ng Summer Term”

Ang masasabi ko lang ay matindi ang summer term para sa dalawang STEM na kurso, ang Physics at Integral Calculus.

Kaya't maganda ay hindi mag summer term ng major subjects. Ang magandang kunin sa summer ay mga minor at pwede naman ang major na retake pero ang mga major magandang kunin sa regular na semester term parin upang may panahon sa pag-aaral nang hindi nagmamadali.

Sa unang semester para sa taong ito, mag overload ako upang humabol dahil sa mga pagbabago career front ay lumalabas na ang mainam na tahakin ay mag fulltime na sa pag-aaral habang sinisimulan na ang prototype para sa pre-seed funding at matapos MVP sa susunod para sa market traction.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Mali Ang Intende Ko ng Centripetal Force”

Medyo naguguluhan lang ako bakit sa mga diagrams na nakikita ko sa 3D ay ang centripetal force ay nasa direksyun palayo sa sentro ng bilog?

Ngunit sa pagsasaliksik ay lumalabas na kahit pala 2D or 3D ay laging ang direksyun ng centripetal force ay sa gitna ng bilog.

So ang dashed vector na pinapakita ay isa lamang “bookkeeping tool” at hindi totoong pwersa at ang centripetal force ay sya palang horizontal component ng tension kaya't mapa 2D o 3D man ay nakatutok parin ito paloob sa gitna ng bilog.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Tinatapos Ang Aral sa Conical Pendulum at Banking Curves, Sunod ang Newton's Law of Motion at Friction, at Ang Centripetal Force sa 2D at 3D”

Tinatapos ko na ang aral sa Conical Pendulum at Banking Curves at matapos ito ay gawin ko na ang late na activity patungkol dito, ang mga problemang pansanay para sa Gravitation and Uniform Circular Motion.

Matapos ang paksang Gravitation and Uniform Circular Motion ay tuloy ako sa aral naman sa Newtons Law of Motion at Friction.

Napansin ko lang na pag ang coordinate system na kasama ang centripetal force ay 2D, ang direksyun nito ay sa gitna ng rotation around a circular path ngunit pag ang coordinate system ay 3D, ang direksyun ng centripetal force ay baligtad na ang direksyun nito, palabas.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Social Experiment”

Grabe ang resulta ng isang social experiment na aking ginawa sa metaverse at lumalabas na maraming galit sa Islam at sari saring mga negative reactions ang nakuha ko sa resulta ng social experiment na ito.

Ang aking ginawa ay nagdala ako ng Ottoman Flag o Flag ng Turkiye, iisa lamang ang hitsura nito at kahit ano pa ang klase ng aking avatar, mapa common na tao lamang o mapa espesyal na karakter ay talagang inis ang mga tao dahil ang flag ng Ottoman o Turkiye ay sumisimbolo sa Crescent Moon and Star.

Mula sa sarcasm, hanggang sa diretsahang puna, hanggang sa hate speech at naranasan ko lahat ito sa pagdala ng bandila ng Ottoman Empire sa metaverse.

Ngunit ang ganitong bagay ay hindi na bago. Nuon 2022, bago tuluyang na ban ang aking orihinal na account na 10 taon na sa metaverse, ang huli ko na ginawa ay ang bisitahin ang isang Mosque sa metaverse at dun nag Salah. Parang isang palabas sa sine na kung saan inaabangan na pala ang isang character upang iassasinate ito, ganun na ganun ang nangyari sakin. Inantay pa na matapos ako mag Salah sa Majid na yun at ng matapos, pagtayo ng aking avatar ay pwersahan na akong ni log-off ng client viewer at hindi na ako nakabalik pa kahit anong appeal ko.

Nakabalik lamang ako matapos ko aralin ang security ng sistema at ilang atake lamang ay napasok ko ito at nakagawa ako ng bagong account ngunit kaakibat ng pag-aaral sa kanilang sistema upang atakehin ay marami akong nalaman tulad ng kawalan ng confidentiality sa mga private na usapan sa loob ng metaverse, ang timeline na kayang basahin ng sistema sa mga usapan, at ang kawalan ng proteksyun sa mga client data ng nasa metaverse pati credit cards at iba pang mga financial information. Sa laking gulat ng aking mga kaaway sa loob ay hindi nila mapagtanto paano ko na hack ang sistema ngunit di kinalaunan ay iniwan ko narin ang account na iyun at dahil sa pag-uwi ko sa Pangasinan ay iba narin ang signature ng aking identity sa sistema ng metaverse kaya't gumawa na ako muli ng bagong account na hindi dala ng security attack ko sa kanila.

Maraming galit sa Islam at mga Muslim pero pag idedebate ang mga ito ay punong puno ng logical fallacies ang basehan ng kanilang galit sa mga Muslim at nagiging ironic ang pangyayari dahil ang akusasyun sa isang Muslim na hindi peace loving ay lumalabas na ang mga umaatake sa mga Muslim ang mismong mga hindi peace loving at kaming mga Muslim na tulad ko ay kahit inaatake na verbally ay mahinaon parin ay nag papaliwanag kung ano ang tama at mali sa mga perspektiba.

Itong social experiment na dala ko ang flag ng Ottoman Empire, ay isa sa mga encounters ko ay may isang galit na lalake na tinutuligsa ako sa local chat at kung ano anong mga maling paniniwala sa Islam ang binato sakin. Kaya't nagulat ng sinagot ko at hindi makapaniwala sa aking pananaw at mga pagrarason kaya't ang sunod na sinabi dahil hindi ako tulad sa mga Muslim na kanyang nilalarawan ay sinabing ang uri ng aking Islam ay kulto dahil hindi ito umaayun sa mga Arabs na kanyang tinutuligsa. Ngunit sa haba ng usapan ay sinabi ko sa kanya na kung totoo ang kanyang mga bintang sakin bilang isang Muslim, bakit sa puntong yun ay ako ang mahinahon at nagpapaliwanag sa maayus na paraan na ang kanyang mga akusasyun ay nararapat lamang sa mga fundamentalist na mga Muslim at hindi ng moderate Muslim na tulad ko. Lumalabas tuloy sa puntong yun na ako na inakusahan na hindi peace loving ay sya pala ang hindi peace loving at ako sa puntong yun ang totoong peace loving.

Kung may lugar na walang nag react ng negatibo ay ito ang mga sims na mga Turkish at sa isang banda ng makita ng isang Turko ang bandila na dala ko sa sim ng London ay kanyang binigyang galang ang bandila bilang respeto at pag-alala sa dating Ottoman Empire na syang nagtaas ng Islam sa humigit kumulang na anim na daang taon.

Ang problema ay hindi Islam. Ang totoong problema ay dahil sa kawalan ng critical thinking. Sa panahon ngayun na madali na mag-aral dahil lahat ng materials ay accessible na kahit hindi ka mag enroll sa college or university dahil nasa internet na lahat, para magkamali pa sa mga pananaw ay isang pagkukulang na ng tao.

Ang balanseng Islam ay ang Islam ng mga Ottomans kaya naman ang glory ay ipinagkaloob ng Allah (SWT) sa Ottomans at hindi sa mga Arabs dahil ang Islam ng mga Ottomans ay mas sakto sa mensahe ng Quran kahit pa may nuances ito kumapara sa Islam ng mga arabo. Mas may justice at tolerance ang Islam ng mga Ottomans.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™