“Sabadong Abala”

Tanghali na ako nagising kaya naman madali akong nananghalian at matapos ay diretso akong nagpalikuran at kasunod ay wudu at ghusl upang maka salah ako ng Fajr at ng Dhur. Matapos ang wudu at ghusl ay konting pahinga at mag-aaral.

Madaliang review ng mga naaral sa integral calculus gamit ang basic integral rules na ginagamit sa definite at indefinite integrals at matapos ito ay sunod na review ang integrals na nauwi sa logarithmic functions at mga integrals na nauuwi sa exponential functions. Sunod dito ay ang review naman ng trigonometric identities at integration ng trigonometric functions.

Matapos ang review ay gawin ng mabilisan ang mga problemang pangsanay at mga assignment upang maipasa na ito at makatuon na sa mga bagong paksa sa sunod na mga araw.

Sa physics naman ay kelangan matapos ang aral sa conic pendulum problems at banking curves problems at sunod ay mabilisang review sa mga nakaraang mga paksa at ang huling gagawin ay tapusin na ang problemang pangsanay para sa paksa ng gravity at ng uniform circular motion.

Malamang mga gabi na ako makakatakbo para sa 21km long distance run at mag ensayo din ng sining pangdigma.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™