“Nagbago Ang Isip sa Resignation”

Nagbago ang aking isipan patungkol sa pag resign at naisip ko kaya ko naman hanapan ng investor ang aking naiisip na business patungkol sa defense at in particular ay security ng mga softwares habang nagtratrabaho pa ako sa kumpanya at kahit ang pag gawa ko ng MVP ay kaya naman mag isa sa bakanteng oras at kung sakaling kelangan madaliin ay pwede naman ako mag hire ng isa o dalawang engineer na mag iimplement ng aking MVP.

Sa isang banda ay upang hindi rin masayang ang investment ng kumpanya sakin, upang hindi rin sila mahirapan humanap ng aking kapalit, at upang matulungan ko pa ang team namin na harapin ang mga masalimuot na mga hamon sa mga proyekto.

Lalo din na malaking posibilidad na baka kelanganin ko ang kumpanya sa hinaharap upang makautang ako ng pondo para sa mga malalaki pang mga proyekto sa depensa sa hinaharap na tutulong sa depensa ng Europa.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™