“Ang Tony Stark ng Tawalisi”

Ako ay mula sa isang lugar na kung tawagin sa kasaysayan ay Tawalisi na mula pa sa lumang panahon kung saan ito ay naging isang kaharian ng mandirigmang prinsesa na Muslim. Sa modernong kapanahunan ako ay kamakailan lamang ay huling iniwan ang trabaho bilang empleyadong inhinyero at sa kasalukuyan ay tinatahak ko na ang pagiging isang deep tech founder sa industriya ng depensa at enerhiya. Ako ay nagtapos ng Batsilyer ng Agham sa Agham Pangkompyuter. Ako ay kasalukuyang nag aaral sa ilalim ng programang Batsilyer ng Agham sa Inhinyeriang Elektrikal at kasabay nito ay sinimulan ko na din ang sariling pag-aaral ng Teoretikal na Pisika sa ilalim ng serye ng lekturang pinamagatang “Theoretical Minimum” ni propesor Leonard Susskind mula Standford University at ang mga librong “Methods of Theoretical Physics” ni Morse at ni Feshbach, “Methods of Mathematical Physics” ni Jeffreys at ni Jeffreys, at ang “Classical Mathematical Physics” ni Walter Thirring.

Dati rin akong nanilbihan sa Hukbong Sandathan Ng Pilipinas sa ilalim ng Hubkong Katihan na may AFPOS na Impantrya. Sa mga panahon na ito ako din ay nasa ilalim ng pag-aaral sa Master ng Agham sa Agham Pangkompyuter na hindi ko na tinapos at ako ay kabilang sa mga graduate students sa ilalim ng isang laboratoryong pananaliksik sa isang mataas na unibersidad sa bansa, at sa mga panahon na ito ay nagsilbi ako bilang research staff at nag trabaho sa isang proyektong pinondohan ng gobyerno. Bago pa sa mga panahon na ito ay nagturo din ako ng dalawang semestre, isa sa programang Analysis, Design, and Programming, at isa naman sa departamento ng Agham Pangkompyuter sa aking kolehiyong pinagtapusan ng aking unang batsilyer.

Sa ibang mga bagay naman, ako ay isang sertipikadong maninisid na may gamit na scuba, isang tagapagpraktis ng tradisyunal na sining pandigma ng Tsino at ng sining pandigma ng Pilipino, at may rifle marksmanship qualification bilang sharpshooter at isang marksman sa pistol. Kamakailan lamang ay dumaan ako sa isang anti-terrorist na pag-sasanay patungkol sa mga eksplosibong ordnansa, Mahilig din akong tumakbo ng malayuang distansya, lumangoy gamit ang langoy pandigma, at mag buhat sa gym.

Isa din akong taga-hanga ng mga sasakyang gamit sa Formula 1 (F1) at sa pakikipagtunggali sa F1 grand prix kaya naman mahilig din ako sa go-karts at e-karts. Matinding taga-hanga din ako ni Tony Stark as Iron Man sa mundo ng Marvel comics at ng Marvel Cinematic Universe (MCU).

Sa politikal, pilosopikal, at relihiyon, naniniwala ako sa demokrasya at ang aking pananaw pag dating sa pandaigdigang ugnayan ay umaayun ako sa realismong pampulitika at isa din akong kundisyunal na pasipista. Inaakap ko din ang pilosopiyang stoic at ako ay isang Muslim ngunit marapatin ko na dumistansya sa Arabic brand ng Islam at marapating mapabilang ako sa uri ng Islam sa bansang Turkiye. Sa madaling salita ako ay isang Moderate Muslim.

Hindi lamang kaalaman sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, at Matematika, pinag-aaralan ko din ang Humanidades, Sining, at Agham Panlipunan. Masasabing isa akong taong may malawak na kaalaman at interes.

Dekada narin akong kasama sa organisasyung Institute of Electrical ang Electronics Engineers sa Amerika.

Ako ang Tony Stark ng Tawalisi.