“Ang Maganda sa Bagong Daan na Tatahakin”

Opisyal na ang aking resignation at sa July ang aking exit sa kumpanya. Ang kinagandan nito ay maliban sa masisimulan ko na maghanap ng angel o pre-seed investor ay makaka full-time ako sa aking pag-aaral ng hindi mag conflict sa schedule ng trabaho. Ibig sabihin ay full time na ako next semester at baka nga makapag-overload pa ako ng units at hindi tulad ng nakaraan na iilang units lamang.

Sa kabilang banda naisip ko baka pwede naman ako mag-avail ng mga scholarship sayang din kung pasok naman ako upang wala masyadong gagastusin sa pag-aaral.

Ang nakikita ko sa bagong daan na aking tatahakin ay kalayaan, una sa aking oras, at pangalawa sa pinansyal dahil sigurado ako sa ideya ko sa pag found ng startup company dahil halos lahat ng may mga critical na data sa kanilang mga software at information system ay mangangailangan ng solusyon na syang aking ideya at ang bagay na ito ay mamayagpag o mananatili sa loob ng 20 hangang 40 years on average at iba pa ang mga plano para sa defense systems. Sa kabilang banda ay kasama din ang enerhiya ngunit dahil hindi pa ako tapos sa aking BSEE ay marapating ihanda lamang ang planong ito.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™