“Nabawasan Ang Sakit sa Tuhod, Ang Balita sa Ideya, at Balik sa Paglutas ng mga Problemang Pansanay as Integral Calculus at Physics”
Matapos ako magpahinga at pinatong ko ang likuran ng aking tuhod sa unan ay medyo nabawasan na ang sakit.
Kelangan ko baguhin muli ang aking gait sa takbo dahil nawala na ang forefoot landing ko at naging midsole na ito kaya din nawala ang sakit sa calves kada takbo ko at napunta sa tuhod dahil andun ang pressure dahil narin sa pagbabago ng gait.
Sa kabilang banda ay dalawa ang ideya na kelangan gawan ng MVP. Ang una ay may malinaw na na roadmap. Pero sa pangalawa naman ay nasa mas maagang conceptualization palang ito at kahapon lamang ay nagulat ako sa nakita ko sa balita sa teknolohiya dahil may gumawa na ng pangalawang ideya ko. Masasabi ko na bago ko pa man din malaman ang pangalawang ideya ay pinag-aaralan na ito dati pa.
Pagdating sa market lalo na sa mga bagong produkto o services, kung sino ang mauuna ay madalas sya ang may malaking hawak sa market share kaya din kelangan magmadali para sa pangalawang ideya dahil may mga kalaban ako sa market patungkol dito.
Sa ngayun ay balik muna ako sa paglutas ng mga problemang pangsanay sa integral calculus at physics.
© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™