“10km Takbo, Tahimik na Dalapasigan, at Mas Matinding Init ng Taon”

Kanina bago ang tanghali ay nabuo ko ang 10km run sa ilalim ng init ng araw ngunit sumakit ang aking tuhod kaya naman ako ay iika-ika. Inabutan narin ako ng gutom kaya kumain ako sa isang turo-turo ng adobong kangkong na may tokwa.

Sa dulo sa Binmaley area nang matapos ko ang 10km ay sumilong muna ako sa ilalim ng puno at napansin ko habang nagpapahinga na ang dalampasigan ay tahimik. Walang alon at kakaiba dahil bihira ko makita ang dalampasigan sa Lingayen at Binmaley na walang alon. Marami din ang mga bisita at mula Lingayen hanggang Binmaley ay maraming turista upang maligo sa dalampasigan.

Sa aking pakikipagkwentuhan sa tindera ng mga pagkain sa turo-turo, at sa aking nasakyan na tricycle ay nabanggit nila mas mainit ang taon ngayun kumpara nuong nakaraang taon at mas masakit daw sa balat ang init ngayun. Totoo naman dahil dama ko rin ang pagkakaiba sa taon ngayun kumapara sa nakaraang taon pagdating sa init ng panahon.

Sa isang banda naman ay may kaibigan akong babae na taga Caribbean at sila duon ay tinataaman din ng heatwave kaya't nagpaalala ako sa aking kaibigan na mag ensayo upang mapalakas ang kanyang puso dahil ang magiging mga casualty sa takbo ng mga darating pang mga taon ay ang mga may mahihinang mga puso.

Hindi ko masabi kung ano ang mathematical relationship ng init ng panahon sa sukat ng trabaho ng puso, kung ito ba ay linear or exponential basta ang alam ko lang ay mas matindi ang trabaho ng puso ng isang tao pag mas mainit ang klima.

Pahinga muna ngayun dahil masakit ang aking tuhod.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™