Tony Stark Ng Tawalisi

$\mathbf{k} = \hat{\mathbf{E}} \times \hat{\mathbf{B}}$, $\tau = (\exists! \, \text{Allah}, \, \text{Rasūl}(\mu), \, \text{Walī}(\alpha))$, $\delta S = 0$

“Ang Mga Bagong Ideya”

May mga bagong ideya na nabubuo nanaman saking isipan ngunit maliban sa mga deep tech ay ang mga bagong ideya ay hindi na deep tech ngunit innovation sa mga existing technologies sa defense.

Ang mga natutunan ko sa BSEE kahit freshman palang ako sa programa ay maari nang gamitin sa actual na paggawa ng mga prototypes at dahil paninidigan ang pagiging isang estudyante sa larangan ng EE ay ibig sabihin ay kaya gumawa agad ng mga prototypes at ang mga gaps sa knowledge and skills ay madali na mapunan.

Ang mga natutunan ko sa Chemistry for Engineers mula nakaraang taon at ang training sa counterterrorism patungkol sa mga bomba ay sapat na upang aralin ang explosives at mga fuels. Ganun din ang natutunan sa sariling aral ng Theoretical Physics patungkol sa fields at Lagrangian Mechanics. Sa Newtonian Mechanics sa Physics nito lang nakaraan ay sapat din para sa motion ng mga weapons payload. Sa Electromagnetism naman ay maaring magamit ang mga kunsepto sa simpleng circuits na kekelanganin.

Sa bagay na matematika ay sapat narin ang paglago ng aking kaalaman sa algebra, trigonometry, ang natutunan sa differential calculus, at sa integral calculus sa kasalukuyan at kahit malayo pa ang Differential Equations na kurso ay madali narin itong maintindihan. Malaking bagay din ang training na nakuha ko sa pure mathematics galing sa mga panahon nuong nasa MS Computer Science program pa ako sa ilalim ng track na Theoretical Computer Science kaya naman malupit ang aking lohika at gamit ito sa pagrarason patungkol sa mga structures at naging dahilan upang maging malakas ang aking critical thinking.

Sa kabilang banda ang aking systems knowledge sa computer science ay malaking bagay din para sa embedded systems dahil kekelangan ko ang mga embedded systems para sa mga sistema na aking naiisip.

At dahil narin alam ko ang kahalagahan ng theoretical (ibig sabihin ay ang mathematical foundation), ang practical (ang application o experimental), at ang computational (simulations) pag dating sa science at engineering at may kakayahan ako gawin ang mga ito ay mas malaking tulong ito sa pag build ng mga systems na gusto ko.

Ang isang bagong innovative idea na naiisip ko ay may kinalaman sa mga projectile systems o mga kinetic energy weapons. Sa isang ideya naman ay para sa training ng mga armed personnel sa kanilang mga combat shooting practices.

Ang maaring maging advantage ko dito ay kung magagawa ko ang counterpart ng isang existing na tech na mas optimized pero 10 beses na mura sa unang ideya at sa pangalawa naman ay dadalhin nito sa training theatre ang isang uri ng training na hindi basta nagagawa dahil nangangailangan ng coordination at kagamitan.

Kung susumahin ay may 4 na ideya na, lahat ito ay malinaw ang roadmap. Dalawa dito ang deep tech, dalawa din ang hindi deep tech ngunit innovation sa existing tech. Lahat ito ay sa industriya ng depensa, ngunit ang unang ideya dito na deep tech ay isang malaking threat hindi lamang sa defense kundi sa mga civilian enterprises din kaya ito ay nasa kategorya ng dual-use deep tech at tatagal ng humigit kumulang 20 hanggang 40 years samantalang ang mga natitirang ideya sa ngayun ay purong pang depensa. Ang pangalawang deep tech na ideya ay tatagal ng maraming siglo. Ang natirang dalawang innovative tech ay tatagal lamang sa panahon na malaking bagay pa ang projectile sa digmaan at samakatwid ay maglalaho ang mga pangangailangan sa mga ito pag naglaho na ang kunsepto ng projectile bilang kinetic energy weapons. Mangyayari lamang ito kapag namayagpag na sa larangan ng digmaan ang mga energy directed weapons.

Ang plano ay sa labas ng bansa ma incorporate ang kumpanya matapos itong maka gain ng traction sa kinalaunan.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Pag-aaral sa Integral Calculus, Ang Combat Sim sa Metaverse, at ang Lapad ng Calve Muscles”

Katapos ko lang busisiin mabuti ang Type 1 sa paksang integrals of trigonometric functions on higher exponents nito.

Kanina naman ay napunta ako sa isang combat sim dahil dinala ako ng kaibigang mga Filipino duon at sa kaka testing ng kanilang combat hud sa aking mga armas ay muntik ko na ma crash ang kanilang sim sa paggamit ko ng nuke pero buti nalang hindi nagalit ang may ari at bagkus ay sinabi lamang sakin na bawal gamitin ang ganun weapon sa kanilang sim.

Sa kabilang banda ay dahil bumalik na muli sa forefoot landings ang aking mga takbo mula sa midsole ay kapansin pansin din na lumapad nanaman ang aking calve muscles.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Namimiss Ko Ang Pumutok”

Matagal narin ang huling ensayo ko sa marksmanship. Kelangan ulit pumutok. Baka nasa range ako bukas.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Balik Tanaw sa Hyperbolic Functions At Relasyun Nito Sa Regular Trigonometric Functions”

Binabalikan ko muna ang hyperbolic function at iniintindi ang kuneksyun nito sa regular trigonometry.

Kung ang trigonometry functions ay mula sa circle $x^2 + y^2$, ang hyperbolic functions naman ay mula sa hyperbola $x^2 – y^2$ at habang ang una ay periodic na ibig sabihin ay nauulit, ang huli ay hindi at ito ay nag grow na parang exponential. Ang fundamental identity sa trigonometric functions ay ang $sin^2 + cos^2 = 1$ at sa hyperbolic functions naman ay $cosh^2-sinh^2 = 1$. Parehas na mula $\mathbb{R}$ ang input sa trigonometric function na sin x at cos x at sa hyperbolic sinh x at cosh x ngunit ang mapping ng domain na ito ay magkaiba sa dalawang uri ng functions na ito. Sa trigonometric ay bounded ang range ng [-1,1] samantalang sa hyperbolic naman ay unbounded ang mapping $x \to \pm \infty$.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Dating Pagsasabay ng Gym at Takbo sa Isang Araw”

Dati ay pinagsasabay ko pa sa isang araw ang ensayo sa takbo at gym tulad ng mauuna ang takbo tapos bago tapusina ng huling 3km sa kabuuang 21km na takbo ay hihinto ako sa gym at mag work out ng 4 na oras at matapos ang gym ay tatakbuhin ko na ang huling 3km pauwi.

Sa pagiging sundalo dati ay uso ang ganuon, minsan takbo bago ang calisthenics o calisthenics tapos takbo. Ang calisthenics namin ay tinawatag na Army Dozen.

Pero lately ay may napanuod akong bidyo patungkol sa rason kung bakit hindi dapat gawin ang takbo tapos sunod ay gym at may kinalaman ito sa release ng isang uri ng hormones sa katawan.

Kaya't sa mga ensayo ko ngayun ay solo ang gym sa isang araw, at solo ang takbo sa isang araw ay hindi na ito magsama pa sa buong araw.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Balik Tuon sa Integral Calculus for Engineers”

Tuon muna sa pag-aaral ng Integral Calculus sa paksa ng integration ng trigonometric function na mahigit 2 ang exponent.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang 21km na Takbo at Ang Bagong Pantakbong Sapatos”

Natapos din ang 21km na malayuang takbo ngayun gabi at ginamit ko na ang bagong biling sapatos na pangtakbo at nalusong narin ito sa baha mula sa aking lugar at sa mga nadaaanan sa Baywalk road. Pagdating sa dulo ng aking tinatakbo sa Binmaley o ang 10km mark para sakin, ay itaas ng sakong ang baha duon kaya nang bumalik na ako para sa second leg ng takbo ay umakyat nako ng dike at dun sa ibabaw ako tumako hanggang makarating ako sa lugar na wala ng masyadong baha at binagtas ko muli ang kalsada pero sa pagkakataon ng second leg ay natural na pa west na ang takbo at ganun parin na ilan sa dinaanan ay baha.

Mas ginhawa ang aking paa sa bagong sapatos at maganda rin na ilang buwan ko din ginamit ang isang sapatos na Addidas na masakit sa aking paa dahil parang nagsilbing therapy ito para sa aking kanang metatarsal.

Matatandaan na nuong 2022 ay dahil sa mura ang sapatos na pangtakbo na aking ginagamit ay wala itong suporta sa ilalim kaya ng makatapak ako ng bato sa dilim ng daanan sa Maginhawa sa Quezon City isang gabi habang nasa kalagitnaan ng 10km run ay buong pwersa ng bato ang hindi na distribute sa surface ng forefoot ko sa kanan at na focus ang force nito sa iisang point ng surface ng paa ko sa ilalim. Siguro may napunit na muscle at simula nuon ay tinitiis ko lagi ang sakit ng metatarsal ko sa kanan tuwing tatakbo ng 21km.

Nuong nagamit ko ang Addidas na pangtakbo na sapatos na mamahalin at optimized sa marathon runs ngunit masakit sa paa ko, ay parang nagsilbing therapy ito dahil naka tensyon lagi ang aking metatarsal at ngayun na biglang relax ang aking paa sa bagong sapatos na World Balance ay kapansin pansin nawala na ang ganun sakit sa aking metatarsal sa kaunaunahang pagkakataon ng hindi naka tensyun ang mga muscle sa metatarsal area.

Bagamat hindi ko gusto ang pagiging hindi komportable ng aking paa sa sapatos na Addidas ay mukhang gumaling naman ang injury ko dahil dun.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Mga Kasama sa Armed Profession na Mga Teknikal, Ang Bagong Dalawang Pares ng Sapatos, at Ang Gym Kahapon”

Dalawang sundalo sa Hukbong Katihan ng Pilipinas na seniors ko ang nasa kasalukuyang kumpanya at mas nauna sila sakin ng isang taon at tulad ko ay pareparehas kami ng level bilang engineer dun. Isa namang dating sundalo sa aking batchmate sa class namin sa Army ang nakapasok din sa kumpanya humigit kumulang isang buwan na ang nakakalipas at madalas kaming mag-usap ng huli patungkol sa mga katanungan nya bilang kaka onboard palang sa technology stack ng kumpanya ngunti kapansin pansin din ang pagkakaiba ng kanyang team at ng aming team. Sa kanilang team ay malins ay mga teknikal na mga design at naka specs ang mga ito sa UML tulad ng paglalahad ng behavior ng sistema sa sequence diagrams nito na hindi top level abstraction kundi code level talaga samantalang sa aming team ay ang teknikal na design ay sinulat na parang istorya lamang na nakasulat sa paragraph.

Kanina naman ay bumili ako ng sapatos at ang kadahilanan ay dahil nagbabaha na dito sa amin kahit hindi pa bagyo at ito ay dahil sa pagtatambak ng lupa sa ilang lugar sa area na maling solusyon sa problema ng baha. Ang lugar namin ay malapit sa dalampasigan at may mga lagusan sa mga ilog na dumadaloy sa ilog Agno na syang lumuluwa naman sa Limahong Channel at marami din sa paligid ay mga palaisdaan at dahil hindi maayus ang mga drainage at dahil ang ibang lugar tulad ng sa amin ay walang kanal, ay natural babahain. Ang pagtabon ng mga lupa sa ibang lugar upang tumaas ito bilang solusyon sa baha ay mali dahil ang dating kinalalagyan ng tubig na ngayun ay tinabunan na ay nag tulak sa mga tubig baha upang pumunta sa ibang lugar o tumaas ang tubig sa ibang lugar. Tulad nalamang ng sa amin na hindi naman ganito dati at nagbabaha lamang kapag may bagyo o sobrang lakas ng ulan. Ngayun di naman malakas ang ulan at normal lang ito pero baha na. Kaya naman ang sapatos ko kahapon ay nilusong ko sa baha kaya ito ay basa at hindi pa tuyo hanggang ngayun.

Kanina nuong lumabas ako ay napilitan akong gamitin ang isang sapatos na binenta sakin ng nag-aayus ng sapatos sa bayan dahil pinaayus sa kanya ang sapatos na iyun at hindi na binalikan at dahil isang kilalang martial artist ang taga-ayus ng sapatos na iyun at kilala ng aking dating guro sa martial arts ay hindi ko na natangihan ng ibenta nya sakin ang sapatos na kanyang inayus dahil din gipit sya sa pera at buntis ang kanyang asawa, kaya ang pagbili ko ng sapatos na iyun ay bilang tulong sa kanya.

Dahil personal ang sapatos, at dahil hindi ako ang orihinal na may-ari nito ay hindi ako komportable sa sapatos na iyun at hindi rin maganda ang fit nito sakin kaya minabuti ko na bumili nalamang ng bagong sapatos pagdating ko sa syudad.

Matagal din ako nagtingin tingin sa loob ng department store Robinsons ng iba't ibang brand ng mga sapatos mula Addidas, Sketchers, Nike, Anta, at Merrel ngunit wala akong natipuhan dito.

Pagdating sa tindahan ng World Balance ay dun may isang itim na may kasamang pula na sapatos na naka agaw ng aking atensyun at ito ay aking binili. Bumili narin ako ng bagong sapatos na pangtakbo at masusing inuusisa ko ang mga sapatos na uring pangtakbo at hinahanap ko ang medyo akma para sa forefoot landings at ibig sabihin ay pabor sakin ang mga pangtakbong sapatos na mas malapad ang width ng forefoot area at medyo mas makapal din ang forefoot area. Kung tutuusin ay hindi ko kelangan ang sapatos na mataas ang heel para sa impact cushion at bagkus ang lapat sa forefoot area ay para sa stability at kung medyo higit ang height nito kumpara sa ibang forefoot area ng ibang sapatos ay mas makabubuti dahil andun ang impact ng aking landing sa bawat stride. Magadang kalidad naman ang World Balance at mas mura ito kumpara sa ibang brand.

Mamaya ay subukan ko gamitin sa 21km na takbo ang bagong sapatos na pangtakbo upang maramdaman kung kamusta ang comfort nito sa aking paa.

Sa kabilang banda ay ang binili ko na sobrang mahal na sapatos na pangtakbo sa Addidas nung nakaraang taon na sobrang sakit din sa aking paa dahil sa kawalang ng insight sa ergonomics design nito at tuon lang ang design sa performance na kelangan ko pa butasan ang mesh nito upang makaginhawa ang aking paa sa 21km at 30km runs ay napudpud na agad ang outer edge rubber nito sa area ng forefoot at midsole landings. Sayang ang pera kaya lesson learned, wag bumili ng mahal na sapatos pangtakbo pero wag din mumurahin dahil siguradong mahina sa protection ang paa, yung balance lang ng hindi gaano mahal at may kalidad.

Kahapon naman ay nakapag gym ako ngunit hindi ko nagawa ang set para sa balikat, kinulang din ako ng isang uri ng set para sa aking biceps, at hindi ko nagawa ang set para sa aking triceps.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Ionization Potential, Mole Ionization, at Degree of Ionization ng Gas Upang Maging Plasma “

Hetong nakaraang mga araw lamang ay napag-isip ako patungkol sa pamamaraan ng Latent Heat Fusion at Latent Heat Vaporization kung magagamit din ba ang mga ito upang mag transition hindi lamang sa mga states of matter tulad ng solid, liquid, at gas, kundi pati narin ang pag transition sa plasma state at sa Bose-Einstein Condenstate o BEC.

Tinanong ko ito sa engineer na nagtuturo sa amin sa kursong Physics for Engineers at kanyang sinagot na maaring hindi magamit ang mga pamamaraan sa Latent Heat Fusion at Latent Heat Vaporization dahil hindi tradisyunal na states of matter ang Plasma at sya ay tama patungkol dito.

Sa paghahanap ko ng sagot ay nalaman ko na hindi magagamit ang mga pamamararang Latent Heat Fusion at Latent Heat Vaporization upang makapag transition sa state ng plasma halimbawa galing sa gas o sa BEC na galing din sa gas state.

Ang rason ay dahil ang mga pamamaraan ng Latent Heat Fusion at Latent Heat Vaporization ay nakabase sa thermodynamic model patungkol sa kinetic energy ng atoms o molecules at kasama ang intermolecular forces at ang ganitong modelo ay hindi akma pagdating sa ionization ng gas upang maging plasma at dahil hindi kinetic energy ng atoms at molecules at intermolecular forces ang kelangan upang maging ionized ang gas kundi ang tinatawag na ionization energy at imbes intermolecular forces ang kasama dito ay ang atomic forces.

Ang paraan upang mag transition mula sa klasikal na estado na gas patungo sa estado ng plasma ay may 3 modelong ginagamit para dito, at ito ay para sa isang atom, sa isang mole o bulk ionization, at sa degree of ionization sa plasma.

Pag isang atom lamang, ang equation para sa tinatawag na Ionization Potential ay

$$ E = \frac{I_1^{(X)}}{atom} $$

kung saan ang $I_1^{(X)}$ ay coefficient ng ionization energy ng specific element sa periodic table, ang subscript na $1$ ay nangangahulugan na unang energy level, at ang superscript na $(X)$ ay simbolo ng element na target para sa ionization at dahil enerhiya ito, ang unit nito ay Joules o J.

Para sa bulk ionization o ionization ng mole, o sa tawag na Mole Ionization ng isang atom lamang ay

$$ Q=N_A \cdot I_1^{(X)} $$

kung saan ang ang $N_A$ ay ang Avogrado's number $6.022 \times 10^{23} \text{ atoms/mol}$, at ang $I_1^{(X)}$ ay coefficient ng ionization energy ng specific na element sa periodic table na tulad sa ionization para sa isang atom dahil isang uri ng atom lamang itong tinatalakay sa parteng ito.

Para sa bulk ionization o ionization ng mole ng molecule na may iba't ibang uri ng atoms, ang equation ay magiging

$$ Q = \sum_i \left( n_i \times I_1^{X_i} \times N_A \right) $$

kung saan ang $n$ ay ang bilang ng mole ng specific atom na $X$, at ang $ I_1^{X}$ ay ionization energy ng isang uri ng atom na iyun at ang $N_A$ ay sya paring Avogrado's number $6.022 \times 10^{23} \text{ atoms/mol}$.

Sa dalawang paraan na nabanggit kung saan ang unang paraan ay para sa ionization ng isang atom lamang, at ang pangalawang paraan ay para sa dalawang kaso ng bulk ionization na kung saan ang unang kaso ay ionization ng mole ng isang uri ng atom lamang samantalang ang pangalawang kaso ay para sa ionization ng mole na mahigit isang uri ang atom nito.

Ang pangatlong paraan naman ay tinatawag na Plasma Fraction o Degree of Ionization at ito ay ginagamit sa pag-aaral ng mga bituin sa astrophysics at sa plasma fusion at ang atoms dito ay hindi lahat ay nagiging ionized. Ang equation ay

$$ \frac{ n_e \ n_i}{n_0}= ( \frac{2\pi m_e kT}{h^2})^{3/2} \, e^{\frac{-E_{ion}}{kT}} $$

o mas kilala bilang ang Saha Ionization Equation mula Statistical Mechanics na isa sa mga core fields ng Physics. Ang mga sumusunod ay mga paglahad ng variables sa equation:

$n_e=$ electron density $n_i=$ ion density $n_0=$ neutral atom density $m_e=$ mass of an electron, $9.109 \times 10^{31}$ kg $T=$ temperature (K) $k=$ boltzman constant $h=$ Planck's constant $E_{ion}=$ ionization energy

Sa sunod ay sasaliksikin ko kung paano naman ang enerhiya upang mag transition ang isang gas papuntang Bose-Einstein Condensate o ang BEC.

Nakakatuwa malaman ang mga ganito lalo't tinitingnan ko sa hinaharap ang pag-aaral ng Plasma lalo na ang Plasma Fusion.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Scientific Constants sa Calculator”

Malaking bagay na may mga scientific constants sa calculator at ngayun ko lang natutunan na ang mass ng protons, neutrons, electrons, at ang elementary charge ay may constants sa aking calculator.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™