“Ang 21km na Takbo at Ang Bagong Pantakbong Sapatos”

Natapos din ang 21km na malayuang takbo ngayun gabi at ginamit ko na ang bagong biling sapatos na pangtakbo at nalusong narin ito sa baha mula sa aking lugar at sa mga nadaaanan sa Baywalk road. Pagdating sa dulo ng aking tinatakbo sa Binmaley o ang 10km mark para sakin, ay itaas ng sakong ang baha duon kaya nang bumalik na ako para sa second leg ng takbo ay umakyat nako ng dike at dun sa ibabaw ako tumako hanggang makarating ako sa lugar na wala ng masyadong baha at binagtas ko muli ang kalsada pero sa pagkakataon ng second leg ay natural na pa west na ang takbo at ganun parin na ilan sa dinaanan ay baha.

Mas ginhawa ang aking paa sa bagong sapatos at maganda rin na ilang buwan ko din ginamit ang isang sapatos na Addidas na masakit sa aking paa dahil parang nagsilbing therapy ito para sa aking kanang metatarsal.

Matatandaan na nuong 2022 ay dahil sa mura ang sapatos na pangtakbo na aking ginagamit ay wala itong suporta sa ilalim kaya ng makatapak ako ng bato sa dilim ng daanan sa Maginhawa sa Quezon City isang gabi habang nasa kalagitnaan ng 10km run ay buong pwersa ng bato ang hindi na distribute sa surface ng forefoot ko sa kanan at na focus ang force nito sa iisang point ng surface ng paa ko sa ilalim. Siguro may napunit na muscle at simula nuon ay tinitiis ko lagi ang sakit ng metatarsal ko sa kanan tuwing tatakbo ng 21km.

Nuong nagamit ko ang Addidas na pangtakbo na sapatos na mamahalin at optimized sa marathon runs ngunit masakit sa paa ko, ay parang nagsilbing therapy ito dahil naka tensyon lagi ang aking metatarsal at ngayun na biglang relax ang aking paa sa bagong sapatos na World Balance ay kapansin pansin nawala na ang ganun sakit sa aking metatarsal sa kaunaunahang pagkakataon ng hindi naka tensyun ang mga muscle sa metatarsal area.

Bagamat hindi ko gusto ang pagiging hindi komportable ng aking paa sa sapatos na Addidas ay mukhang gumaling naman ang injury ko dahil dun.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™