Tony Stark Ng Tawalisi

$\mathbf{k} = \hat{\mathbf{E}} \times \hat{\mathbf{B}}$, $\tau = (\exists! \, \text{Allah}, \, \text{Rasūl}(\mu), \, \text{Walī}(\alpha))$, $\delta S = 0$

“Type 1 to 5, Wallis Formula, at Trigonometric Substitution”

Katapos ko lang inaaral ng maigi ang Type 1 to 5 sa higher integrals, at ngayun ay nasa Wallis Formula. Maya maya ay idagdag ang Trigo substitution.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Mga Nadagdag na Paksa sa Pisika at sa Integral Calculus”

Sa pisika ay pumasok naman ang paksang Elasticity at Simple Harmonic Motion samantalang sa Integral Calculus ay dumagdag ang bagong paksa na Integration by Trigonometric Substitution.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Langis Sa Disk Break”

Kahapon ay nilinis ko ang aking mountain bike dahil ilang buwan ko naitong hindi nalilinis tuwing matapos gamitin. Napatakan ata ng langis ang disk break kaya't kanina habang umuulan na nagpa bayan ako upang bumili ng charger ng phone ay madulas ang preno nito. Hindi ko alam kung maalis pa ang langis o magpapalit nanaman ako ng disk break.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Nakatulog Matapos Ang Tanghalian”

Ako ay nakatulog matapos ang tanghalian. Iniisip ko pa kung tatakbo ako ng malayo o mag gym ngayun at mamaya ay ensayong pakikipaglaban.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Palengke, Linggong Abala sa Pag-aaral at Workouts, Ang Skill sa Marksmanship, at Ang Isang Kaibigan na Babaeng Galing Iran at Ngayun ay Nasa Amerika”

Kagigisng at nakikinig sa old school hip-hop playlist na ito: https://www.youtube.com/watch?v=jvkkMAaQ3d4 at tinanong ako ng aking ina kung kelangan ko mamalengke at ako ay umayun dahil wala na akong supply ng pagkain kaya magpapa bayan ang aking ina para mamalengke at mukhag isasabay nya ang aking mga kelangan sa kanyang mga bibilhin.

Balik aral muli para sa integral calculus at maya maya ay lilisan ako para sa gym o baka sa malayuang takbo. Sa sunod nalang ang ensayo sa marksmanship at baka mag martial arts din ako ngayun.

Pagdating sa pistol marksmanship, taliwas sa karamihan ay hindi ko nakikita na kelagan ko magpractice lagi dahil iba ang aking pamamaraan sa marksmanship. Taliwas sa nakagisnan kong paraang weaver ay mas stable at naka depende ang aking marksmanship skill sa struktura ng aking katawan tuwing pumuputok at dahil alam ko ang bagay na ito ay kahit matagal na walang ensayo ay asintado parin ako tulad ng ensayo ko nuong 2022 matapos ang huling putok nuong 2010 at mapapansin na 12 taon ang lumipas ngunit mas naging asintado pa ako. Hindi lang naman ako ang nagulat at nagtataka, pati ang range officer at mga nanunuod sa labas ng kwarto at naka tingin sa salamin at tinitingnan kung paano ko tamaan ang target paper sa malayo. Dumagsa pa ang mga taong nanunuod sa pagkakataong iyun at ako ay walang kamuang muang na ganun karami sa aking likuran ang mga matang nakatingin sakin. Kami ay nagulat dahil nang kunin ng range officer ang target paper ay puro ulo ang tama ko dito ay lahat ay pasok. Dahil sa groupings ay nawasak ang malaking bilog sa gitna ng nuo ng target malapit sa gitna ng mata ay naka linya sa bridge ng ilong. Hindi ko rin inaasahan na ganun at sa 100 rounds na ilan ay nilagay ko sa dibdib ng target para sa unang putok bilang warm up at sumunod ay puro ulo na. Kaya naman ang natira sa 1000 rounds ay puro ulo parin at namamangha ang range officer. Sa isang banda ay nangawit narin ako sa kakaputok nuon at ako ay lumiliyad na upang makarelax ay iniisip ko na baka hindi na sumakto ang aking groupings sa pagliyad ng aking tindig ngunit pasok parin lahat.

Sa weaver ay kelangan talagang laging mag ensayo at kelangan din ang physical fitness dahil dati nuong pamamaraang weaver pa ang aking gamit ay napansin ko na tuwing bugbug ang katawan ko sa mase mase o kaka calisthenics, langoy, at malayuang takbo ay maganda ang aking mga tama at kahit gumagalaw ang mga target ay mabilis ko itong tinatamaan ng walang kamintis mintis. Sa alala ko pa ay minsan nagtanong ang isang classmate sa army na kasabay ko pumuputok at sabi “tinmaan ni 'Tony' yun!?... TINAMAAN NI 'TONY' YUN!?” at kasunod nuon ay napapatanong ako sa aking isipan at nasabi ko sa sarili ko “bakit hindi ko ba matatamaan yun???”.

Ngunit kelangan ko parin ang pamamaraang weaver pag sakaling nalagay sa engkentro dahil ang weaver ay ma proteksyunan nito ang aking organg puso at nagiging payat ang aking profile bilang isang target ng katungali, kapag wala masyadong madidikitan na pananga o sakaling masikip ang area. Ang kapalit nito ay ang pagiging unstable ng firing position. Sa kabilang banda naman, ang bagong pamamaraang aking natutunan ay kelangan na nasa tabi ako ng magagamit bilang pananga at sobrang stable ng firing position nito ngunit ang kapalit ay ang lantarang pagbubukas ng aking sarili bilang malapad na target profile sa harap ng isang katunggali. Maganda ang huling paraan kung nakasuot ako ng body armor.

Pagdating naman sa rifle ay naalala ko parin ang order na inilabas sa army patungkol sa qualification ko bilang isang rated na rifle sharpshooter. Malayo ang naabot ng rifle kumpara sa pistol at dahil sa aking physical fitness at ang mga kaalaman parin ng marksmanship patungkol sa structure ng katawan at breathing ay kumpyansa parin ako na mapapanindigan parin ang pagiging rifle sharpshooter ngunit marapating mag ensayo na nito sa hinaharap. Ang hindi lang ako kumpyansa ay ang aking vision dahil sa aking edad ay nawala na ang talas ng aking paningin sa malayo na sya namang pinalitan ng talas ng paningin sa kadiliman. So it remains to be seen kung hanggang saang layo ng distanya ang kaya ko tamaan ngaun gamit ang riple.

Lagi ko iniiwan ang aking avatar sa metaverse at paggising ko ay naabutan ko ang isang babaeng kaibigan na akala ko ay isang amerikana. Nang simulan nya ang kanyang musikang playlist ay nagulat ako na parang ang salita ay Turkish pero hindi ako sigurado kaya tinanong ko sya. Ang mga kantang kanyang pinatutugtog ay salitang Farsi at ako ay nagulat at dun kami nag usap at nalaman ko na isa pala syang Iranian na tumakas at pumunta ng US dahil matindi ang oppression sa mga babae dun pati narin sa kalalakihan dala ng saradong intepretation ng sharia law.

Napagusapan din namin kung gaano naman kabuti ang trato sa mga kababaihan sa Turkey na isang secular ngunit nanatili paring Islam na hindi fundamentalist taliwas sa mga grupong Islamist sa Turkey.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Type 3 ng Trigonometric Integration at ang Quantum Entanglement at Teleporation”

Kasalukuyang nasa type 3 na ako sa pag integrate ng trigonometric function at kasabay nuon ay inaanalisa ko din ang phenomena ng quantum entanglement at quantum teleportation.

Dati ang intinde ko sa quantum teleportation ay para sa pag teleport ng particle from point A to point B. Totoo naman na ganun nga ang nangyayari ngunit hindi iyun ang gamit kundi upang mapanatili pala ang kumpletong estado ng isang particle dahil sa limitation ng no-cloning theorem at ng decoherence sa mga quantum systems.

Sa kabilang banda naman ay ang quantum entanglement ay nangangailangan parin ng classical channel kaya't ang naiisip ko dati na mabilis mag send ng information between points pag gamit ang quantum entanglement ay mali dahil ang bilis na iyun ay limitado ng bound ng pinakamabilis na classical channel. Ibig sabihin kung ano lang ang pinakamabilis na paraan mag transmit ng information gamit ang classical na paraan, heto ang limit ng bilis sa isang quantum entanglement dahil parte ng quantum entanglement ang classical communication channel.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Dagsa ng Ideya Ngayung Gabi at Ang Gutom”

Mukhang maganda ang dagsa ng mga ideya ngayung disoras ng gabi at bigla nalamang napagdugtong ko ang mga inaaral ko dati sa mga breakthroughs ngayun sa isang larangan ng teknolohiya at ngayun ay may bagong ideya nanaman ako!

Ngunit ang ideya na ito ay hindi papasok sa industriya ng depensa at bagkus ito ay para sa telecommunications. Kung ganun habang may mga producto na akong naiisip para sa depensa at may naiisip din ako para sa enerhiya ay may bagong ideya nanaman ngayun at ito ay sa telecommunications.

Ang bagong ideya na ito ay hindi tradisyunal at ito ay gagamit ng makabagong phenomena sa pag transmit ng mga impormasyun at mas magiging secure ang communications. Hindi rin ito compatible sa tradisyunal na infrastructure na meron sa kasalukuyang telecommunications.

Sa kabuuan kasama ang mercenary group at itong sa telecommunications at ang isang uri ng power generation sa industriya ng enerhiya ay may 7 na ideya na para sa kumpanya sa hinaharap sa iba't ibang industriya.

Gutom narin ako siguro dahil sa pag-aaral at pag-iisip ngunit ubos na ang aking mga supplies sa pagkain. Kelangan na mamalengke mamayang umaga.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Type 2 Sa Integration of Trigonometric Functions”

Kasalukuyan akong nasa type 2 sa pagbubusisi ng paksang Integration ng Trigonometric functions kung saan ang exponents nito ay mahigit sa 2.

Sa mga problemang pansanay na aking tinitingnan sa mga tutorials ay napag-alaman ko ngaun lang na may tinatawag palang Integration Tables at ito ay listahan ng mga integrals na mahirap ma derive o mahaba ang mga derivation at madalas ay sinasaulu nalamang ang table na ito.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Mercenary Group”

Panahon narin siguro upang bigyang pansin ang pagtatag ng mercenary group na sasabay sa mga makabagong teknolohiya. Ang aking inaalala lamang dito ay dahil madali na mamatay sa labanan ang mga field operators na gumagamit ng sining ng impantriya sa kamay ng mga FPV drone operators. Wala ng silbe pa ang pagiging magaling sa sining ng impantriya sa panahon ngayun dahil kahit walang experience sa actualy combat ang operator ng FPV drones ay mamatay lamang ng ganun kadali ang isang field operator sa kamay nito.

May mga makabagong pamamaraan din kung paano mag survive sa panahon ng mga FPV drones ngunit ito ay isang problemang mahirap. Ang algoritmo para sundan ang mga pamamaraan nito ay maraming hakbang at hindi ka mabubuhay on average kapag ganito sa labanan. Ang survival dito ay posible naman pero dala na ito ng swerte.

Marapting magsaliksik muna ako kung paano lulutasin ang problemang ito gamit ang teknolohiya bago gumawa ng grupo na mag ooperate sa labas ng Pilipinas at lumahok sa mga armed conflicts around the world.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Mga Bagong Ideya”

May mga bagong ideya na nabubuo nanaman saking isipan ngunit maliban sa mga deep tech ay ang mga bagong ideya ay hindi na deep tech ngunit innovation sa mga existing technologies sa defense.

Ang mga natutunan ko sa BSEE kahit freshman palang ako sa programa ay maari nang gamitin sa actual na paggawa ng mga prototypes at dahil paninidigan ang pagiging isang estudyante sa larangan ng EE ay ibig sabihin ay kaya gumawa agad ng mga prototypes at ang mga gaps sa knowledge and skills ay madali na mapunan.

Ang mga natutunan ko sa Chemistry for Engineers mula nakaraang taon at ang training sa counterterrorism patungkol sa mga bomba ay sapat na upang aralin ang explosives at mga fuels. Ganun din ang natutunan sa sariling aral ng Theoretical Physics patungkol sa fields at Lagrangian Mechanics. Sa Newtonian Mechanics sa Physics nito lang nakaraan ay sapat din para sa motion ng mga weapons payload. Sa Electromagnetism naman ay maaring magamit ang mga kunsepto sa simpleng circuits na kekelanganin.

Sa bagay na matematika ay sapat narin ang paglago ng aking kaalaman sa algebra, trigonometry, ang natutunan sa differential calculus, at sa integral calculus sa kasalukuyan at kahit malayo pa ang Differential Equations na kurso ay madali narin itong maintindihan. Malaking bagay din ang training na nakuha ko sa pure mathematics galing sa mga panahon nuong nasa MS Computer Science program pa ako sa ilalim ng track na Theoretical Computer Science kaya naman malupit ang aking lohika at gamit ito sa pagrarason patungkol sa mga structures at naging dahilan upang maging malakas ang aking critical thinking.

Sa kabilang banda ang aking systems knowledge sa computer science ay malaking bagay din para sa embedded systems dahil kekelangan ko ang mga embedded systems para sa mga sistema na aking naiisip.

At dahil narin alam ko ang kahalagahan ng theoretical (ibig sabihin ay ang mathematical foundation), ang practical (ang application o experimental), at ang computational (simulations) pag dating sa science at engineering at may kakayahan ako gawin ang mga ito ay mas malaking tulong ito sa pag build ng mga systems na gusto ko.

Ang isang bagong innovative idea na naiisip ko ay may kinalaman sa mga projectile systems o mga kinetic energy weapons. Sa isang ideya naman ay para sa training ng mga armed personnel sa kanilang mga combat shooting practices.

Ang maaring maging advantage ko dito ay kung magagawa ko ang counterpart ng isang existing na tech na mas optimized pero 10 beses na mura sa unang ideya at sa pangalawa naman ay dadalhin nito sa training theatre ang isang uri ng training na hindi basta nagagawa dahil nangangailangan ng coordination at kagamitan.

Kung susumahin ay may 4 na ideya na, lahat ito ay malinaw ang roadmap. Dalawa dito ang deep tech, dalawa din ang hindi deep tech ngunit innovation sa existing tech. Lahat ito ay sa industriya ng depensa, ngunit ang unang ideya dito na deep tech ay isang malaking threat hindi lamang sa defense kundi sa mga civilian enterprises din kaya ito ay nasa kategorya ng dual-use deep tech at tatagal ng humigit kumulang 20 hanggang 40 years samantalang ang mga natitirang ideya sa ngayun ay purong pang depensa. Ang pangalawang deep tech na ideya ay tatagal ng maraming siglo. Ang natirang dalawang innovative tech ay tatagal lamang sa panahon na malaking bagay pa ang projectile sa digmaan at samakatwid ay maglalaho ang mga pangangailangan sa mga ito pag naglaho na ang kunsepto ng projectile bilang kinetic energy weapons. Mangyayari lamang ito kapag namayagpag na sa larangan ng digmaan ang mga energy directed weapons.

Ang plano ay sa labas ng bansa ma incorporate ang kumpanya matapos itong maka gain ng traction sa kinalaunan.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™