“Social Experiment”
Grabe ang resulta ng isang social experiment na aking ginawa sa metaverse at lumalabas na maraming galit sa Islam at sari saring mga negative reactions ang nakuha ko sa resulta ng social experiment na ito.
Ang aking ginawa ay nagdala ako ng Ottoman Flag o Flag ng Turkiye, iisa lamang ang hitsura nito at kahit ano pa ang klase ng aking avatar, mapa common na tao lamang o mapa espesyal na karakter ay talagang inis ang mga tao dahil ang flag ng Ottoman o Turkiye ay sumisimbolo sa Crescent Moon and Star.
Mula sa sarcasm, hanggang sa diretsahang puna, hanggang sa hate speech at naranasan ko lahat ito sa pagdala ng bandila ng Ottoman Empire sa metaverse.
Ngunit ang ganitong bagay ay hindi na bago. Nuon 2022, bago tuluyang na ban ang aking orihinal na account na 10 taon na sa metaverse, ang huli ko na ginawa ay ang bisitahin ang isang Mosque sa metaverse at dun nag Salah. Parang isang palabas sa sine na kung saan inaabangan na pala ang isang character upang iassasinate ito, ganun na ganun ang nangyari sakin. Inantay pa na matapos ako mag Salah sa Majid na yun at ng matapos, pagtayo ng aking avatar ay pwersahan na akong ni log-off ng client viewer at hindi na ako nakabalik pa kahit anong appeal ko.
Nakabalik lamang ako matapos ko aralin ang security ng sistema at ilang atake lamang ay napasok ko ito at nakagawa ako ng bagong account ngunit kaakibat ng pag-aaral sa kanilang sistema upang atakehin ay marami akong nalaman tulad ng kawalan ng confidentiality sa mga private na usapan sa loob ng metaverse, ang timeline na kayang basahin ng sistema sa mga usapan, at ang kawalan ng proteksyun sa mga client data ng nasa metaverse pati credit cards at iba pang mga financial information. Sa laking gulat ng aking mga kaaway sa loob ay hindi nila mapagtanto paano ko na hack ang sistema ngunit di kinalaunan ay iniwan ko narin ang account na iyun at dahil sa pag-uwi ko sa Pangasinan ay iba narin ang signature ng aking identity sa sistema ng metaverse kaya't gumawa na ako muli ng bagong account na hindi dala ng security attack ko sa kanila.
Maraming galit sa Islam at mga Muslim pero pag idedebate ang mga ito ay punong puno ng logical fallacies ang basehan ng kanilang galit sa mga Muslim at nagiging ironic ang pangyayari dahil ang akusasyun sa isang Muslim na hindi peace loving ay lumalabas na ang mga umaatake sa mga Muslim ang mismong mga hindi peace loving at kaming mga Muslim na tulad ko ay kahit inaatake na verbally ay mahinaon parin ay nag papaliwanag kung ano ang tama at mali sa mga perspektiba.
Itong social experiment na dala ko ang flag ng Ottoman Empire, ay isa sa mga encounters ko ay may isang galit na lalake na tinutuligsa ako sa local chat at kung ano anong mga maling paniniwala sa Islam ang binato sakin. Kaya't nagulat ng sinagot ko at hindi makapaniwala sa aking pananaw at mga pagrarason kaya't ang sunod na sinabi dahil hindi ako tulad sa mga Muslim na kanyang nilalarawan ay sinabing ang uri ng aking Islam ay kulto dahil hindi ito umaayun sa mga Arabs na kanyang tinutuligsa. Ngunit sa haba ng usapan ay sinabi ko sa kanya na kung totoo ang kanyang mga bintang sakin bilang isang Muslim, bakit sa puntong yun ay ako ang mahinahon at nagpapaliwanag sa maayus na paraan na ang kanyang mga akusasyun ay nararapat lamang sa mga fundamentalist na mga Muslim at hindi ng moderate Muslim na tulad ko. Lumalabas tuloy sa puntong yun na ako na inakusahan na hindi peace loving ay sya pala ang hindi peace loving at ako sa puntong yun ang totoong peace loving.
Kung may lugar na walang nag react ng negatibo ay ito ang mga sims na mga Turkish at sa isang banda ng makita ng isang Turko ang bandila na dala ko sa sim ng London ay kanyang binigyang galang ang bandila bilang respeto at pag-alala sa dating Ottoman Empire na syang nagtaas ng Islam sa humigit kumulang na anim na daang taon.
Ang problema ay hindi Islam. Ang totoong problema ay dahil sa kawalan ng critical thinking. Sa panahon ngayun na madali na mag-aral dahil lahat ng materials ay accessible na kahit hindi ka mag enroll sa college or university dahil nasa internet na lahat, para magkamali pa sa mga pananaw ay isang pagkukulang na ng tao.
Ang balanseng Islam ay ang Islam ng mga Ottomans kaya naman ang glory ay ipinagkaloob ng Allah (SWT) sa Ottomans at hindi sa mga Arabs dahil ang Islam ng mga Ottomans ay mas sakto sa mensahe ng Quran kahit pa may nuances ito kumapara sa Islam ng mga arabo. Mas may justice at tolerance ang Islam ng mga Ottomans.
© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™