Tony Stark Ng Tawalisi

$\mathbf{k} = \hat{\mathbf{E}} \times \hat{\mathbf{B}}$, $\tau = (\exists! \, \text{Allah}, \, \text{Rasūl}(\mu), \, \text{Walī}(\alpha))$, $\delta S = 0$

“10km na Malayuang Takbo at Ang Nilagang Baka”

Pagdating sa ika 10 km mark sa akong rota sa takbo ay gutom nako ay minabuti ko na kumain na at nataon na may nilagang baka sa isang kantina dun. Matapos ang tanghalian ay hindi nako tumakbo pa pabalik at umuwi nako kaya't 10km lamang ang natakbo ngayung tanghali.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Pagkagalak sa BSEE sa Kabila ng Hirap Nito at Ang Maluyang Takbo Nitong Umaga”

Nag-aaral parin ako ngayun at kahit mahirap ang BSEE at talagang nasusubok ang aking sarili ay nakakagalak parin na andito ako sa programang ito at nag-aaral.

Hindi rin ako nagkamali ng desisyun na piliin ang BSEE sa kabila ng mga suhistyun na pwede naman ako dumiretso sa MS ng Electrical Engineering. Hindi rin ako nagkamali na imbes mag undergraduate ng Physics o Mathematics ay BSEE parin ang aking pinili at tulad ng aking naitala na, lahat ng kelangan ko sa mathematics at physics patin narin sa chemistry at engineering maths and sciences at patungkol sa makabong technology na may fundation ng mechanical at kaakibat ang majors ng electrical na kasama din ang pundasyun ng electronics at communications ay andito sa BSEE.

Ako ay maghahanda muna para sa malayuang takbo na 21km habang nasa aking isipan ang mga bagay na inaaral at maghahabol parin.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Integration ng Rational Function Gamit Ang Paraang Partial Fractions”

Kasalukuyan iniintindi ang integration ng rational functions gamit ang partial fractions.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Mabagal na Release ng Apache Camel”

Mga taong 2017 nang sumali ako sa grupo ng mga engineers na gumagawa ng mga solusyon para sa interprise integration. Ang ganitong uri ng mga solusyon ay nasa labas ng set ng mga design patterns sa regular na software development o yung mga nakasanayan na sa industriya. Kung sa normal na software development ay gumagamit ng mga design patterns, sa enterprise integration naman ang katumbas nito ay ang tinatawag na enterprise integration patterns.

Sa normal na software development tulad ng paggawa ng isang software para sa end to end communication, o di kaya ay software para sa ATM machine ng isang banko, o isang reservation system sa airlines o kahit pa ang flight tracking software, o di kaya ang mga embedded systems na nag momonitor ng temperatura sa isang hardin, at marami pa ay mga software na dinisenyo mula ground up na naka integrate ang mga ito sa mga upstream at downstream systems mula simula pa. Halimbawa, ang pag konek ng mga ito sa sensor, sa database, at pagtawag ng mga ito sa mga external na systems. Matapos gawin ang mga ganitong sistema ay hindi na madaling baguhin pa ang mga ito upang komonek sa iba pang mga sistema sa labas na hindi sakop ng kanilang orihinal na requirements. Kung kakaunti lamang ang mga ganitong sistema sa isang ecosystem ay akma pa na baguhin ang mga ito o di kaya ay gumawa ng mga bagong sistema sa ibabaw ng mga ito.

Sa software development na patungkol naman sa enterprise integration, ang mga ito ay hindi tulad ng mga paggawa sa mga normal na software. Ang problemang nilulutas ng enterprise integration ay upang ikonek ang maraming mga sistema sa isang ecosystem na madalas ay enterprise, ng hindi akma o wala sa kanilang orihinal na requirements. Hindi na kelangan pa baguhin ang isang software at magagawan ng paraan na maikonek ito sa ibang mga sistema. Halimbawa ay may information system sa HR at integrated na ito sa Finance IS simula pa ng gawin ito ground up ngunit may bagong software na kinuha ang isang kumpanya patungkol sa pag kalkula ng oras ng trabaho at taxes ng mga trabahador sa labas ng bansa at dahil dito ay kelangan iintegrate ang Finance IS at ang HR IS sa bagong software na ito. Hindi na kelangan pa gumawa ng bagong version ng software na ito upang ma integrate sa Finance IS at HR IS. Gagawa ang isang engineer ng solusyon para dito gamit ang Apache Camel at gagamitin ang mga existing na mga EIPs nito at makokonek ang bagong software sa Finance at HR ng hindi binabago ang Finance IS, ang HR IS, at ang bagong software na iyun.

Sa enterprise integration papasok ang mga kagamitan tulad ng MuleSoft na isang proprietary samantalang ang Apache Camel naman ay isang Open Source. Pag proprietary ang pipiliin ng isang development team ay kelangan nilang gastusan ang pag kuha ng lisensya para sa MuleSoft. Kapag Open Source ang tinahak ay kelangan mag isip ang isang development team kung kukunin nito ang Apache Camel o ang Redhat Fuse na maraming mga kagamitan na nakapalibut sa Apache Camel. Kung Apache Camel lamang ay walang gastos dito ngunit wala din dedicated support. Kapag Redhat Fuse naman ay may babayaran para sa support pero dahil guaranteed ang support at dedicated, malaking tulong ito sa mga development teams na gumagawa ng enterprise integration solutions gamit ang Apache Camel.

Masasabi ko na maganda ang growth ng Apache Camel at ng Redhat Fuse lalo uso pa ang enterprise integration development bago ang pandemic. Matapos mangyari ang pandemic ay nag-iba na ang pananaw ng industriya at sa panahon ngayun ay binabalewala na ang notion sa Enterprise Integration Patterns o EIPs at dahil nauso ang Spring Boot dahil madali gumawa ng mga REST API dito ay mas pinipili na ng mga development teams ang gamitin ang Spring Boot ay mag reinvient ng mga solutions na gawa naman na sa EIPs.

Halimbawa dito ay ang Circuit Breaker pattern na kasama na sa mga development tools and platforms tulad ng Apache Camel na sya namang ginagawa pa from scratch ng mga development teams na hindi gumagamit ng EIPs o di kaya ay nag rereuse pa ng COTS or third-party libraries para dito.

Isa din sa dahilan kung bakit nalalaos na ang Apache Camel sa panahon ngayun ay dahil din sa pag-iiba ng security landscape ng mga software sa panahon ngayun. Uso na ngayun ang regular na paglabas ng mga bagong exploits sa mga softwares dahil narin sa mga open-source libraries, tools, and platforms. Kung dati ay mga proprietary softwares lamang ang usong tamaan ng mga exploits, ngayun wala nang ligtas pa ang open-source at kung tutuusin ay marami ngayun ang exploits sa mga open-source kumpara sa mga proprietary at ito ay dahil uso narin ang mga kumpanya na gumagamit ng mga open-source kaya naman interesado ang mga adversarial actors sa cyberspace na pasukin ang mga information systems ng mga kumpanya upang makakuha ng mga sensitbong mga data na ibebenta o di kaya ay gagamitin para sa ransomware.

Ang pagbabago sa landscape ng security ng mga software ay nagbigay daan sa mabilisang mitigation ng mga exploits at lumabas dito ang kumonidad na nag babantay sa mga bagong exploits at ito ay ibinabahi sa publiko upang maka galaw agad ang mga engineers upang ayusin ang kanilang mga software upang mag patch ng mga fix para sa mga exploits an meron sa kanilang mga sistema.

Ang mabilisang turnaround time na kelangan upang ma defend ang information system mula sa mga adversaries ay sya ding naging kahinaan ng mga open-source na projects tulad ng Apache Camel at sa bilis ng mga versions na nilalabas sa panahon ngayun ay hindi nakakahabol ang Apache Camel at isang rason ito kung bakit nawawala ang pabor sa paggamit nito.

Ang mga engineers na nag cocontribute sa mga open-source projects ay walang mga sahod. Hindi sila binabayaran kaya't wala ding regular at mabilisang mga release sa mga ito at dahil sa bagal ng Apache Camel project na humabol sa mga bagong versions ng mga dependencies nito ay nawawalan ang pabor industriya dito.

Sa kabilang banda ay hindi ko lang alam paano hinahawakan ng Redhat engineers ang problemang ito dahil ang kanilang produkto na Redhat Fuse ay isang revenue pipeline para sa kanila.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Daming Gaps sa Aking Alam sa Integral Calculus at ang Eid al-Adha”

Ang dami ko gaps sa Integral Calculus. Baka ulitin ko sa parating na semester o sa sunod na semester ang kursong ito.

Late na dumating ang module dahil nuong kasisimula ng summer term ay walang stocks. Iba parin kasi ang module dahil mas malinaw nitong naituturo ang mga kunsepto ng maayus.

Nasa panahon ako ng pagrerepaso ng mga natutunan ko sa Integral Calculus at hahabulin ko ito.

Bukas ay holiday at panahon ito ng pag-alaala ng sacrifice ni propetang Ibrahim (AS) ng kanyang anak para sa Diyos at sa literature at traditions ng Jews, Christians, at Muslims ay magkaiba ang pagkakaunawa kung sino ang anak na inialay at syang pinalitan ng tupa di kinalaunan.Sa mga Jews at Christians ay ang pananaw dito, ang anak na inialay ay si Isaac (AS). Pero sa Islam, ang pananaw namin dito ay si Ismail (AS). Sa bandang huli ay di pinahintulutan ng Diyos na tuluyang mamatay ang anak na yaon ni Ibrahim (AS) at ang huli ay pinigilan ng anghel na si Jibril (AS) at nagdala ng tupa para ialay kapalit ng anak ni Ibrahim (AS).

Ang Eid al-Adha ay pag-alaala sa pananampalataya at lubusang pagsang-ayun ni Ibrahim (AS) sa kanyang Diyos. Ang pagsumite sa kagustuhan ng Diyos ni Ibrahim (AS) ay tunay na ibig sabihin ng Islam.

Eid Mubarak!

Allahu Akbar!!!

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Gangsta Music Habang Nag-Aaral ng Integral Calculus sa Module”

Sabi ko papahinga muna ako sa Integral Calculus pero matapos ko makuha ang module ay minabuti ko na basahin ito ay maraming mga gaps sa aking mga natutunan na naitatama ng module.

Sa kabilang banda ay nakikinig ako ngaun sa gangsta music na isa sa mga paborito ko: https://www.youtube.com/watch?v=4ZpkvjwV4Pk&list=PLKeLOVL9lnYfDnVKL4tJ05akG6gTyoU3D&index=5

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Mga Modules at Ang Likas na Hirap ng Integral Calculus”

Sa wakas ay dumating narin ang mga modules para sa summer term ng Physics for Engineers at ng Integral Calculus for Engineers. Medyo huli na ang pagdating ng mga modules na ito ngunit may kasabihan nga na better late than never.

Sa calculus naman ay napatanong ako kaninang umaga kung bakit nga ba mahirap ang Integral Calculus? Lumalabas na likas na mahirap ang Integral Calculus dahil unang unang ay taliwas ang malaking bahagi ng mga pamamaraan nito sa mga nakaraang matematika na mas pabor ang pagsunod ng mahigpit sa mga pagkasunod sunod ng mga tuntunin mula pre-calculus hanggang Differential Calculus o ang Calculus 1. Sa Integral Calculus o ang Calculus 2 ay may mga tuntunin din naman dahil ginagamit parin naman nito ang mga pundasyun ng pre-calculus at ng Differential Calculus ngunit maliban dito ay may mga bounding methods na walang malinaw na pagkasunod sunod at paraan ng Integral Calculus ay tuloy nagiging parang isang art sa paggamit ng mga pamamaraang substituion, integration by parts, trigonometric identities, partial fractions, trigonometric substitution, at numerical integration.

Sa isang banda naman, ang Integral Calculus ay ang itinuturing na “The First Big Jump” sa pagkasunod sunod ng mga matematikang ginagamit sa engineering at physics na kung saan mas abstract na ang pag-iisip na kelangan dito, mabigat na sa mga teknik, at konti na ang procedural, hindi katulad ng mga naunang mga matematikang kurso mula pre-calculus hanggang Differential Calculus na hindi pa ganun kalalim ang abstract thinking na kelangan, hindi masyado sa teknik, at mabigat na procedural ang mga ito.

Ang mga susunod na matematikang mas mahihirap pa sa Integral Calculus ay Differential Equations, Multivariable Calculus (ngunit wala atang hiwalay na kurso nito sa Pilipinas at ito dapat ang Calculus 3 or Multivariable Calculus kung di ako nagkakamali sa mga unibersidad sa labas ng bansa at ang expectation dito sa Pilipinas ay nasakop na ito Calculus 1 at natalakay na sa Partial Derivatives na sya namang totoo ngaunit sa maiksing panahon lamang), Linear Algebra (wala akong makitang hiwalay na kurso nito sa programang BSEE ngunit nakuha ko ito sa BS Computer Science at baka kasama ito sa Engineering Math for EE na kurso), at iba pang mga advanced na matematika na kelangan sa engineering tulad ng Fourier, Laplace, at marami pa na malamang ay nasa Engineering Math for EE na subject sa hinaharap.

Mas nangangailangan ng creative na approach ang paglutas ng mga problemang Integral Calculus kaya't ang mga magagaling sa larangan ng applied mathematics na ito o ang mga nadadalian ay mga kakaibang nilalang.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Sa Paksang Elasticity at Simple Harmonic Motion at Ang Parating na 100 Items Problem sa Integral Calculus”

Tuon muna ako ngayun sa paksang Elasticity at Simple Harmonic Motion sa pisika at gawin na ang mga problemang pansanay habang pahinga muna sa integral calculus.

Susunod na mga problemang lulutasin ay 100 items sa Integral Calculus. Pero siguro baka di naman aabot ng 100 items at mga problema lang na sakop ng mga paksang natalakay sa aming klase

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Kakaibang Panaginip Kagabi”

May kakaibang panaginip kagabi. Medyo nagtataka lamang ako at baka may kinalaman nanaman ito sa propesyung armas. Nuong pumasok na ang panahon ng pagbabago ay nagparamdam ito ngunit binabalewala ko lamang dahil sarado na ang aking isip sa pag-aaral at pagsimula ng kumpanya.

Ang problema kagabi ay nanaginip nanaman ako at tipong may pinapahiwatig nanaman sakin.

Kala ko ba tapos na ang chapter ko sa propesyung armas?

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Mga Reflection Kada Matapos Ang Pagsusulit”

Palaging may nakakaligtaan parin ako at saka ko nalamang napagtatanto matapos ang mga pagsusulit.

Isang simpleng bagay na aking nakalimutan, sayang ang buong problema sa isang pagsusulit.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™