“Palengke, Linggong Abala sa Pag-aaral at Workouts, Ang Skill sa Marksmanship, at Ang Isang Kaibigan na Babaeng Galing Iran at Ngayun ay Nasa Amerika”
Kagigisng at nakikinig sa old school hip-hop playlist na ito: https://www.youtube.com/watch?v=jvkkMAaQ3d4 at tinanong ako ng aking ina kung kelangan ko mamalengke at ako ay umayun dahil wala na akong supply ng pagkain kaya magpapa bayan ang aking ina para mamalengke at mukhag isasabay nya ang aking mga kelangan sa kanyang mga bibilhin.
Balik aral muli para sa integral calculus at maya maya ay lilisan ako para sa gym o baka sa malayuang takbo. Sa sunod nalang ang ensayo sa marksmanship at baka mag martial arts din ako ngayun.
Pagdating sa pistol marksmanship, taliwas sa karamihan ay hindi ko nakikita na kelagan ko magpractice lagi dahil iba ang aking pamamaraan sa marksmanship. Taliwas sa nakagisnan kong paraang weaver ay mas stable at naka depende ang aking marksmanship skill sa struktura ng aking katawan tuwing pumuputok at dahil alam ko ang bagay na ito ay kahit matagal na walang ensayo ay asintado parin ako tulad ng ensayo ko nuong 2022 matapos ang huling putok nuong 2010 at mapapansin na 12 taon ang lumipas ngunit mas naging asintado pa ako. Hindi lang naman ako ang nagulat at nagtataka, pati ang range officer at mga nanunuod sa labas ng kwarto at naka tingin sa salamin at tinitingnan kung paano ko tamaan ang target paper sa malayo. Dumagsa pa ang mga taong nanunuod sa pagkakataong iyun at ako ay walang kamuang muang na ganun karami sa aking likuran ang mga matang nakatingin sakin. Kami ay nagulat dahil nang kunin ng range officer ang target paper ay puro ulo ang tama ko dito ay lahat ay pasok. Dahil sa groupings ay nawasak ang malaking bilog sa gitna ng nuo ng target malapit sa gitna ng mata ay naka linya sa bridge ng ilong. Hindi ko rin inaasahan na ganun at sa 100 rounds na ilan ay nilagay ko sa dibdib ng target para sa unang putok bilang warm up at sumunod ay puro ulo na. Kaya naman ang natira sa 1000 rounds ay puro ulo parin at namamangha ang range officer. Sa isang banda ay nangawit narin ako sa kakaputok nuon at ako ay lumiliyad na upang makarelax ay iniisip ko na baka hindi na sumakto ang aking groupings sa pagliyad ng aking tindig ngunit pasok parin lahat.
Sa weaver ay kelangan talagang laging mag ensayo at kelangan din ang physical fitness dahil dati nuong pamamaraang weaver pa ang aking gamit ay napansin ko na tuwing bugbug ang katawan ko sa mase mase o kaka calisthenics, langoy, at malayuang takbo ay maganda ang aking mga tama at kahit gumagalaw ang mga target ay mabilis ko itong tinatamaan ng walang kamintis mintis. Sa alala ko pa ay minsan nagtanong ang isang classmate sa army na kasabay ko pumuputok at sabi “tinmaan ni 'Tony' yun!?... TINAMAAN NI 'TONY' YUN!?” at kasunod nuon ay napapatanong ako sa aking isipan at nasabi ko sa sarili ko “bakit hindi ko ba matatamaan yun???”.
Ngunit kelangan ko parin ang pamamaraang weaver pag sakaling nalagay sa engkentro dahil ang weaver ay ma proteksyunan nito ang aking organg puso at nagiging payat ang aking profile bilang isang target ng katungali, kapag wala masyadong madidikitan na pananga o sakaling masikip ang area. Ang kapalit nito ay ang pagiging unstable ng firing position. Sa kabilang banda naman, ang bagong pamamaraang aking natutunan ay kelangan na nasa tabi ako ng magagamit bilang pananga at sobrang stable ng firing position nito ngunit ang kapalit ay ang lantarang pagbubukas ng aking sarili bilang malapad na target profile sa harap ng isang katunggali. Maganda ang huling paraan kung nakasuot ako ng body armor.
Pagdating naman sa rifle ay naalala ko parin ang order na inilabas sa army patungkol sa qualification ko bilang isang rated na rifle sharpshooter. Malayo ang naabot ng rifle kumpara sa pistol at dahil sa aking physical fitness at ang mga kaalaman parin ng marksmanship patungkol sa structure ng katawan at breathing ay kumpyansa parin ako na mapapanindigan parin ang pagiging rifle sharpshooter ngunit marapating mag ensayo na nito sa hinaharap. Ang hindi lang ako kumpyansa ay ang aking vision dahil sa aking edad ay nawala na ang talas ng aking paningin sa malayo na sya namang pinalitan ng talas ng paningin sa kadiliman. So it remains to be seen kung hanggang saang layo ng distanya ang kaya ko tamaan ngaun gamit ang riple.
Lagi ko iniiwan ang aking avatar sa metaverse at paggising ko ay naabutan ko ang isang babaeng kaibigan na akala ko ay isang amerikana. Nang simulan nya ang kanyang musikang playlist ay nagulat ako na parang ang salita ay Turkish pero hindi ako sigurado kaya tinanong ko sya. Ang mga kantang kanyang pinatutugtog ay salitang Farsi at ako ay nagulat at dun kami nag usap at nalaman ko na isa pala syang Iranian na tumakas at pumunta ng US dahil matindi ang oppression sa mga babae dun pati narin sa kalalakihan dala ng saradong intepretation ng sharia law.
Napagusapan din namin kung gaano naman kabuti ang trato sa mga kababaihan sa Turkey na isang secular ngunit nanatili paring Islam na hindi fundamentalist taliwas sa mga grupong Islamist sa Turkey.
© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™