“Type 3 ng Trigonometric Integration at ang Quantum Entanglement at Teleporation”

Kasalukuyang nasa type 3 na ako sa pag integrate ng trigonometric function at kasabay nuon ay inaanalisa ko din ang phenomena ng quantum entanglement at quantum teleportation.

Dati ang intinde ko sa quantum teleportation ay para sa pag teleport ng particle from point A to point B. Totoo naman na ganun nga ang nangyayari ngunit hindi iyun ang gamit kundi upang mapanatili pala ang kumpletong estado ng isang particle dahil sa limitation ng no-cloning theorem at ng decoherence sa mga quantum systems.

Sa kabilang banda naman ay ang quantum entanglement ay nangangailangan parin ng classical channel kaya't ang naiisip ko dati na mabilis mag send ng information between points pag gamit ang quantum entanglement ay mali dahil ang bilis na iyun ay limitado ng bound ng pinakamabilis na classical channel. Ibig sabihin kung ano lang ang pinakamabilis na paraan mag transmit ng information gamit ang classical na paraan, heto ang limit ng bilis sa isang quantum entanglement dahil parte ng quantum entanglement ang classical communication channel.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™