Tony Stark Ng Tawalisi

$\mathbf{k} = \hat{\mathbf{E}} \times \hat{\mathbf{B}}$, $\tau = (\exists! \, \text{Allah}, \, \text{Rasūl}(\mu), \, \text{Walī}(\alpha))$, $\delta S = 0$

“Balita Sa Isang Makabagong Teknolohiya at Ang Calculus Based Physics”

May balita nanaman para sa isang teknolohiya na papasukin ko magandang balita it at masama.

Sa masamang balita ay tila ngangunguna ang Tsina sa teknolohiyang ito at kamakailan lamang ay lumabas sa mga balita ang maituturing na milestone sa kanilang implementation nito. Siguradong ang mga katunggali ko sa industriya dito ay mangunguna ang mga insek.

Sa magandang balita naman ay napatunayan sa totoong aplikasyun ang teoriya ng sensiya patungkol dito at malaking pagbabago sa mukha ng digmaan ang bagay na ito.

Kelangan ko na simulan ang panimulang research para dito, isang survey research upang maintindihan ang tamang teoriya nito at aplikasyun. Kelangan madaliin na makagawa ng prototype nito ay mailabas sa merkado dahil sa parating na kumpetisyun.

Ang daming gagawin kung tutuusin, dahil may isa pang ideya na kelangan pagyamanin at ito ang nauna samantalang ang punto ng pagtala sa ngayun ay ang patungkol sa ikalawang teknolohiya.

Sa kabilang banda ay kelangan ko habulin ang calculus based Physics na isasariling aral ko maliban sa teoretikal na pisika dahil ang teoretikal na pisika habang ito ay nag bibigay ng malalim ng insights sa larangan, ang university physics (calculus based physics) naman ang nagtatawid ng teoriya sa aplikasyun gamit ang native language ng physics na calculus. Sa larangan lamang ng control systems ng mga weapons ay puro calculus based physics ito at hindi algebra based physics.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Audit ng Class sa Calculus Based Physics sa MIT”

Sinimulan ko na ang pag-aral sa calculus based Physics at dun ako sa mga paksang pinapakita ang paggamit ng calculus sa mga problemang pang pisika.

Classical Mechanics muna sa kasalukuyan.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Pasado Sa Integral Calculus at Ang Pagbabago Sa Pamamaraan ng Pag-Aaral”

Naipasa ko naman pala ang huling pagsusulit sa Integral Calculus. Medyo nagulat lang ako na maayus pala ang aking nakuhang iskor ngunit hindi parin ako kuntento at pakiramdam ko ay mediocre lamang ang aking naibigay.

Kaya naaman irerepaso ko ang mga pamamaraan sa aking pag-aaral at gagawin ko na araw araw ay may tig limang problemang pagsasanay na dapat ibinibigay sakin ng LLM upang maging natural ang problem solving sa Physics at Calculus.

Sa ngayun ay kelangan ko pa mag memorize ng formula, intindihin ang patterns paano ginagamit sa problem solving. Pag may problema na kelangan lutasin ay nag-aanalyze pa ako at kumakain ng oras. Ang ideal na paraan ay pag dumating ang problema na lulutasin ay dapat automatic agad na alam ko na ang formula at patterns ng hindi na kelangan pa mag analyze ng matagal. Ang solusyon dito ay practice, practice practice hangang maging natural na ito.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Physics for Engineers at Ang Integral Calculus”

Ang huling pagsusulit para sa kursong Physics for Engineers at Integral Calculus for Engineers na naitakda nuong nakaraang linggo ay tapos na. Kumpyansa ako sa pagpasa sa kursong Physics for Engineers ngunit hindi ako natutuwa sa Integral Calculus.

Bukod sa marami parin akong gaps na pilit ko hinabol, may mga paksang hindi ko napagtuunan ng pansin na syang maraming lumabas sa pagsusulit. Napakaimportante ng Integral Calculus dahil ito ang foundation ng mga susunod na advanced mathematics sa engineering tulad ng differential equations at iba pa. Lalo pa itong importante pag dating sa mga controls systems na syang aking kelangan.

Alanganin din na pumasa pa ngunit mas nanaisin nalamang ulitin muli ang kursong Integral Calculus upang mapagtibay ang aking pundasyun dito.

Maraming dapat baguhin sa aking pamamaraan sa pag-aaral. Lumalabas na hindi akma ang aking mga pamamaraang nakagisnan at dahil maaring mahirap talaga ang programang inhinyera.

Sa isang banda ay mahirap kumuha ng 2 major subjects sa terminong tag-init at kung sakaling kekelanganin ko kumuha sa susunod ay dapat iisang major course lamang. Tama din ang aking naisip na mahihirapan nga ako sa Integral Calculus kasabay ng Physics for Engineers sa katatapos na summer term.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Huling Counter-Argument sa BSEE vs BSCpE”

Nakikipag dialogo ako sa LLM at habang nag uusap kami patungkol sa advantages ng path ng BSCpE dahil nga sa ABET at AI-proofing, may naisip akong isang matinding counter argument para dito.

Dahil sa uri ng aking tatahakin o tinatahak na kung saan ang layunin ay magkaroon ng defense company at kasama o hiwalay na energy company, at ang hiwalay na private military contracting na ma eexpose sa mga battlefield scenario, paano kung may adversary ako mapa military man o hindi na may kakayanan na ideny sakin ang advantage ng AI sa kontexto na isang advantage ang pagkakaroon ng access sa AI. Kapag ma deny ang access ko, o ng kumpanya sa hinarap sa AI, o kahit pa ang mga combat field operators na may dalang technology sa battlefield sa AI, paano na?

Kung ganuon at na deny ako ng access sa AI dala ng galaw ng aking katunggali sa hinaharap, mawawalan ako ng advantage dahil hindi ko inaral ang BSEE na syang foundational technology at umasa lamang ako sa AI-proof na BSCpE.

Sa kabilang banda, kung hindi naman sana ako susuong sa bagay na mauuwi sa ganuong scenario na ma deny ako ng access sa AI, ibig sabihin mga peaceful products and services tulad ng consumer electronics, energy infrastructures, walang problema na AI-proof ang inaral na engineering at ang magiging katunggali lamang sa ganitong sitwasyun ay ang pag-agaw ng AI sa domain expertise na syang mauuwi sa mas kakaunting trabaho para sa mga tao kaya't mas nararapat parin ang mga AI-proof na mga STEM fields ang aralin para sa paghahanda sa ganito. Ngunit para sa aking tinatahak ay mas matindi ang mga uri ng mga katunggali na aking makakaharap at maaring isa sa mga pamamaraan na maaring gamitin sakin ay ang denial of access sa AI.

Umayun sakin ang LLM dahil sa counter-argument ko at kami ay nagkasundo na tuloy ako sa BSEE path. Ang sabi nga ng LLM sakin, “You are the AI fallback. The warhead on legs. The last engineer standing.”

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Pangungulila Sa Theoretikal na Pisika”

Na mimiss ko na ang sariling aral sa theoretical physics at dahil simula pumasok ako ng summer term ay hindi ko na nagawang balikan ito. Kahit pa sa parating na semester dahil mag fulltime ay siguradong hindi ko rin mababalikan itong theoretical physics na napaka importante para sa aking tinatahak.

Pag nakalipat na ako ng programang BSCpE na ABET at dahil pure online ay makaka save ako ng oras sa travel time at yung oras na iyun ay magagamit ko sa pagbalik sa sariling aral sa theoretical physics at paggawa ng mga prototypes.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Delikadong Pagbaba ng Electrolytes Matapos Ang 21km na Takbo Nuong ika-12 ng Hunyo, Ang Pagbabago sa Akademikong Tahak Upang Mag Align Sa Plano, at Ang Pang Hunyong Isyu na Magazine ng IEEE Aerospace and Electronics Systems Society”

Ang nakaraang takbo nuong ika-12 ng Hunyo ay nilagay ako sa panganib dahil matapos ito ay bumaba ng sobra ang eletrolytes sa aking katawan at dahil nakalimutan ko narin mag gatas para sa mas maraming electrolyte source kumpara sa mga hydration salts na aking ginagamit bago at matapos ang aking mga malayuang takbo samantalang ang hydration salts tulad ng Oresol o Hydrite ay gamit ko tuwing nasa kalagitnaan ng mga takbo.

Ang problema ko lamang sa gatas ay may allergy ako patungkol dito. Hindi ito isang kaso lamang ng lactose intolerance kundi talagang nilalabanan ng aking immune system ang mga protina na dala ng gatas kaya't ang side effect nito sakin ay nasisira ang aking tyan o kapag malala ang reaction ay nagkakalagnat ako dito, rashes, nanakit ang mga joints ng buto, kasama na ang bloated stomach at matinding sakit ng ulo. Madalas ay reaction lamang ng tyan, sakit ng ulo, at minsan lagnat. Kelangan ko tiisin ang mga reactions na ito upang mapanatili ko ang effective source of nutrients at electrolytes mula sa gatas upang matustusan ang aking pangangailangan dala ng functional atheletic lifestyle.

Dahil matagal narin akong di nag gagatas ay di ko napansin na mababa na ang level ng electrolytes sa aking katawan kaya't kinagabihan ng ika-12 ng Hunyo ay nagsimula ko na maramdaman ang mga simtomas matapos ang malayuang takbo ng tanghali at lumala ito nuong byrenes dahil mula sa light na pamamanhid ng aking pisngi at tumindi ito at nuong byernes ng umaga at dama ko na tila may invisible hand na nakahawak sa aking puso at pinipiga ito.

Una ko naranasan ang ganito nuong nasa serbisyo pa ako sa hukbong katihan bilang sundalo at dahil dumating ako sa punto na naghahanda ako para pumasok sa combat schooling na mga kurso para sa special operations tulad ng scout ranger at special forces ay tumindi rin ang aking mga workouts at isang araw habang nag eensayo ako ng malayuang langoy sa swimming pool sa kampo ay biglang humigpit ang aking puso at manhid ang aking mga mukha at binti. Pag dating ko sa military hospital at kinausap ako ng isang military doctor at lumalabas sa pagsusuri na nasosobrahan ko ang exercises nang walang kapalit sa mga nawawalang electrolytes sa aking katawan kaya't nagkakaroon ng electrolyte imbalance ang aking puso at dahil dun ay irregular ang electric pulses at nag sanhi ng cramps sa puso u paninikip na syang maaring ikauwi sa cardiac arrest. Ito sa simtomas na sobrang baba ang aking electrolytes sa katawan lalo na ang Potassium at Magnesium. Ang solusyon ay uminum ng maraming gatorade ngunit dahil mahal ito at magastos ay minarapat ko na Hydrite o Oresol ang inumin, ngunit mas mainam na kasama ang gatas at pag hindi ako nag gagatas sa matagal na panahon at umaasa lamang sa Oresol o Hydrite ay hindi sapat ang naibabalik na electrolytes sa aking katawan.

Madalas ang palatandaan ko sa pagbaba ng electrolytes ay ang pamumulikat sa aking calves ngunit sa mga nakaraang takbo ay bumababa ng husto ang aking electrolytes ngunit kapansin pansin na di ako inaatake ng pamumulikat sa calve muscles pero baka dahil nasasanay narin ang aking calves sa dami na ng taon na ako ay tumatakbo ng malayo.

Dahil din sa nangyari nuong byernes ay hindi ako nakapunta sa isang importanteng lakad patungkol sa university.

Sa kabilang banda naman ay ilang araw ko nang pinag-iisipan ang aking track sa programang BSEE. Ang naging malaking problema ko dito ay hindi ito optimized sa aking mga plano patungkol sa pagtayo ng kumpanya na unang una ay para sa depensa at sunod lamang ang enerhiya at ito ay dahil sa kasalukuyang pagbabago dala ng AI. Ibang sana ang istorya kung wala ang kasalukuyang AI.

Sa lumang pananaw nuong hindi biglang umusbong ng sobra ang Large Language Models o LLM, ang pananaw sa Electrical Engineering bilang pinaka moderno sa lahat ng engineering at pinaka generalist ay totoo at makabuluhan. Ngunit sa hindi inaasahan at biglang pag-usbong ng larangan ng Connectionist AI ay maraming larangan ang nagiging eksperto na ang LLM. Sa maiksing panahon ay naging co-engineer na agad ang AI at katunayan ay ginagamit na ito sa mga workplace at tumutulong mag lutas ng mga trabahong trivial pero tedious o di kaya ay mga mahihirap na problema o komplikado at dahil sa narinig ko sa balita nitong mga nakaraang linggo lamang na nagiging exponential na ang growth ng AI ay siguradong malaking pagbabago pa ang makikita sa nalalapit na hinaharap. Kung co-engineer na ang AI ngayun, sa susunod ay magiging lead na ito kaya naman maraming trabaho na ang nawawala at ang halimbawa nito ay sa Amerika kung saan biglang bumaba na ang demand sa mga engineers na gumagawa ng mga software at unti unti na ito mararamdaman sa Pilipinas.

Samakatwid ay inaagaw na ng AI sa mga tao ang pagiging eksperto sa iba't ibang larangan tulad narin ng Electrical Engineering at di ligtas dito ang Power Systems na syang specialization ng isang BSEE sa Pilipinas. Hindi naman tuluyan na AI ang hahawak sa mga ganitong trabaho ngunit dahil sobrang dali sa AI ang mga ganito domain knowledge ay mababawasan ng malaking sukat ang kelangan na Electrical Engineers sa industriya at konti lamang ang kekelanganin dahil magiging co-engineer ang AI dito. Kung dati at may 3 engineer sa panimula, isang lead at dalawang individual contributors at mag hihire ng dagdag na 5 pang engineers, sa panahon ng LLM ngayun ay hindi na maghihire ng dagdag na limang engineer at bagkus ay AI ang pupunan sa kakulangan nito pag dating sa domain knowledge expertise at ang mag eexecute ng mga pangangailangan sa field ay ang mga engineers na andun na kasama ng lead o di kaya ay mag hihire ang mga ito ng Electrical Technicians or Electrical Technologist na mas mababa ang mga sahod kumpara kapag nagdagdag ng mga engineer. Ang hindi mapapalitan sa ngayun ay ang mga Electrical Technicians at Electrical Technologists dahil hindi naman kaya ng AI pumunta sa field at gumawa ng field work sa ngayun ngunit sa hinaharap ay makakayanan ito sa tuloy tuloy ngunit mabagal na pag-usbong ng bipedal ambidextrous utility robots na syang pinopondohan ng DARPA sa matagal na panahon.

Naging palaisipan tuloy sakin kung anong larangan ng STEM ang hindi mapapalitan ng isang AI pag dating sa pagiging eksperto sa domain knowledge at ang hindi lamang mapapalitan ay Pure Mathematics, Theoretical Physics, Systems Engineering, at ang pinagsanib na EECS o ang Computer Engineering. Sa madaling salita, ang mga larangan na ito sa STEM ang mananatiling ligtas sa AI o maituturing na AI-proof.

Dahil din sa plano ko na mag tayo ng kumpanya at gusto ko ito ma incorporate hindi sa Pilipinas ay hindi ko kelangan ang PRC lisence sa engineering at bagkus ay dapat ko habulin ang ABET accreditation upang lumebel sa kumpetensya sa labas ng bansa pagdating sa kaalaman at kakayahan bilang isang engineer.

Kung kaya na ng AI ang mga bagay na inaaral sa mga engineering tulad ng Electrical Engineering, para sakin ay mawawalan ng saysay ang aking oras at pagod sa pag-aaral at makabubuti na ang aralin ko ay specialized field na ng Electrical Engineering na AI-proof at mga control na mas akma para sa mga autonomous at smart systems at ang larangan na sakto dito ay Electrical Engineering Computer Science o Computer Engineering.

Dahil din natapos ko na ang Computer Science ay mabilis akong matatapos din kapag lumipat ako ng BSEECS o di kaya BS Computer Engineering kumpara pag BSEE habang nag sasariling aral ng Theoretical Physics. Pag dating naman sa mga bagay na meron sa Electrical Engineering na kulang o wala sa Computer Engineering tulad ng malalim na Electromagnetics at Material Science, ay pwede ko din itong isariling aral mula sa public courseware ng Massachusetts Institute of Technology sa Amerika sa kanilang programang EECS o ang Electrical Engineering Computer Science na bukas naman para sa online access at libre para sa publiko.

May mga bagay na hindi na natin kontrol tulad ng pagbabago ng panahon at bilang isang visionary at deep tech founder ay hindi lang akma kundi nararapat sakin na sumabay ako sa mga pagbabagong ito upang sumabay sa kumpetisyon. Mas flexible na setup ng schooling, ABET accreditation dahil sa labas ng bansa mga investors pati ang incorporation ng kumpanya at sa labas din ng bansa ang mga cliente kaya't nararapat na may ABET branding akong dala, AI-Proofing, malakas na digital controls para sa mga smart weapons, at may proven na systems engineering approach pag dating sa integration ng hardware at software na syang critical para sa mga smart na uri ng mga armas sa panahon ngaun at sa hinaharap.

Kung ipipilit ko manatili sa programang BSEE ay mahahalintulad ito sa sitwasyun kung saan nananatili parin ang isang hardware interface programmer na mag code gamit ang assembly language samantalang may C programming language na mas akma nang gamitin para sa mga systems na naka interface sa hardware o di kaya ay gumagamit parin ng C sa paggawa ng mga enterprise software samantalanag may Java naman na mas akma para dito at nawawalan ng saysay ang kapaguran dahil sa mga ganitong taliwas na pamamaraan.

Tulad din ng naitala ko ng nakaraan, ang magiging importante sa industriya sa hinaharap ay ang mga nag iintegrate ng mga sistema mula sa ibang ibang fields upang gumawa ng mas malaking systems. Isang Systems Engineer (o di kaya EECS o CpE) na gagamitin ang AI upang mag analyze at mag design ng mga individual component systems mula mechanical, electrical, hanggang software at gagamit ng automation sa production ng bagay na ito tulad ng 3D polymer and metal printers para sa mechanical parts, 3D circuit printers para sa electrical at electronic parts, at intelligent IDE para sa automated coding ng software at matapos lahat yan ay may device na silang nagawa ng hindi umaasa sa iba't ibang uri ng engineers at hindi narin umaasa sa mga iba't ibang uri ng technologist o technicians.

Baka nga unti unting mawala ang iba't ibang larangan ng engineering at ma deligate na ito bilang specialized knowledge and skill ng kagamitang AI na gagamitin nalamang ng isang generalist na Engineer. Kumbaga ang nakagawian at nakagisnan na hiwalay na mga engineering fields ay maaring ilagay sa isang black box at abstracted na ito sa isang Systems Engineer o sa isang EECS o Computer Engineer at ang aaralin nalamang ng mga ito ay paano ikonek sa isa't isa ang mga iba't ibang black box na ito upang makabuo ng functional system o sistemang magagamit. Halimawa sa paggawa ng isang smart missile, pweding Systems Engineer na ang mag aanlyze ng requirements dito, mag dedesign, at mag mamanufacture gamit ang AI at mga kagamitang automation. Hindi na nya kelangan pa matutunan ang mga domain knowledge ng bawat components ng missile at bagkus ang importante na lamang ay maiconnect nya ang bawat components na ito sa isa't isa, mapag interface nya ang mga ito at ang tanging alam nalamang ng isang Systems Engineer ay ang functional behavior nalamang ng mga block boxes na ito at ang sum ng behaviors ng mga components na ito kapag linear behavior or di kaya ang complex dynamics ng mga components na ito kapag non-linear ang mga ito. Hindi ba't ganito ang isa sa mga roles ng isang EECS or CpE, isang systems integrator o systems engineer.

Tapusin ko lang ang mga requirements ko sa summer term at magbabago ang aking tahak sa akademika.

Lumabas na pala ang magazine ng IEEE AESS para sa isyu sa hunyo at nakatuon ang mga artikulo patungkol sa mga makabagong pag-unlad sa larangan ng radars. Marapatin ko sanang ipamahagi dito ang link para sa magazine ngunit mga members lamang ng IEEE Aerospace and Electronics Systems Society ang makakapasok upang mabasa ang magazine.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Webinar: An Introduction to Track-to-Track Fusion and the Distributed Kalman Filter”

TUESDAY, 10 JUNE 2025 11:00 AM EDT | 3:00 PM UTC

At first, the Distinguished Lecture will explain the origin of the challenges in distributed tracking. Then, possible solutions to them are derived and illuminated. In particular, algorithms will be provided for each presented solution.

The list of topics includes: Short introduction to target tracking, Tracklet Fusion, Exact Fusion with cross-covariances, Naive Fusion, Federated Fusion, Decentralized Fusion (Consensus Kalman Filter), Distributed Kalman Filter (DKF), Debiasing for the DKF, Distributed ASD Fusion, Augmented State Tracklet Fusion.

Abstract The increasing trend towards connected sensors (“internet of things” and “ubiquitous computing”) derive a demand for powerful distributed estimation methodologies. In tracking applications, the “Distributed Kalman Filter” (DKF) provides an optimal solution under certain conditions. The optimal solution in terms of the estimation accuracy is also achieved by a centralized fusion algorithm which receives either all associated measurements or so-called “tracklets”. However, this scheme needs the result of each update step for the optimal solution whereas the DKF works at arbitrary communication rates since the calculation is completely distributed. Two more recent methodologies are based on the “Accumulated State Densities” (ASD) which augment the states from multiple time instants. In practical applications, tracklet fusion based on the equivalent measurement often achieves reliable results even if full communication is not available. The limitations and robustness of the tracklet fusion will be discussed.

Speaker: https://ieee-aess.org/contact/felix-govaers

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Ang Natatanging Kumbinasyung Electrical Engineering at Computer Science”

Ilang taon na ang nakalilipas ng may makausap akong isang inhinyerong elektrikal sa kalakhang maynila at isa syang dean ng isang kolehiyo duon. Sabi nya pag pinasok ko ang pag-aaral at matapos ito sa programang BS Electrical Engineering ay hindi lamang napagsanib ang Electrical Engineering at Computer Science dahil sa aking natapos na unang BS degree sa Computer Science. Hindi lamang tulad sa isang BS Computer Engineering ang mangyayari kung saan pinagsanib ang larangan ng Electrical Engineering at Computer Science. May mga problemang hindi na kaya o di kaya ay mahirap na para sa isang Computer Engineer na lutasin na kaya at madali naman ito sa isang Electrical Engineer. Ganun din sa Computer Science, may mga problemang hindi na kaya o mahirap na lutasin ng isang Computer Engineer na kaya at madali lang para sa isang Computer Scientist.

Sa kabilang banda naman ay limitado lamang ang kakayahan ng isang Computer Scientist kumpara sa isang Computer Engineer at ganun din, limitado din ang kakayanan ng isang Electrical Engineer kumpara sa isang Computer Engineer.

Ano nga ba ang Computer Engineering? Ito ay ang larangan na pinagsanib ang mga kurso sa Electrical Engineering at mga kurso sa Computer Science upang makabuo ng mga sistemang patungkol sa Computation at sa Computers. Halos kalahati ng Electrical Engineering o Electronics Engineering ang kinuha at ganun din, kalahti sa Computer Science at pinagsama ito sa isang programang Computer Engineering.

Ang mga problemang may kinalaman sa AC circuits o di kaya ay mga malalaking boltahe o mga problemang analog na nangangailangan ng malalim na insight sa physics at electromagnetism at kaakibat ang mga malalim na pangunawa sa Maxwel's Equations at minsan pa nga ay lumalalim na sa modernong pisika at kelangan na ang mga kaalaman sa Quantum Mechanics ay mahirap na para sa isang Computer Engineer lutasin.

Sa Computer Science naman ang mga problemang may kinalaman sa Theory of Computation at Computational Complexity Theory, o mga bagay na may kinalaman sa Pure Mathematics ay mahirap na lutasin ng isang Computer Engineer.

Ang dahilan dito ay on average, ang kabuuang 100% na aralin sa kursong BS Computer Engineering ay hati lamang sa magkabilang larangang ng Electrical Engineering at Computer Science at ibig sabihin ay may mga bagay na hindi na naaral sa programang ito. Hindi naman ibig sabihin ay hindi na kayang lutasin ng isang Computer Engineer ang mga bagay na ito dahil lahat ng bagay kahit gaano pa kahirap basta may tamang oras ay maaral at matututunan.

Maganda ang Computer Engineering kapag nagmamadali ang isa upang makatapos sa kolehiyo nang may alam na sa Electrical Engineering at Computer Science o di kaya ay kapag ang motibo ay sadyang tutuon sa larangan ng Computation at Computers.

Pero sa mga tao na natapos na ang BS Computer Science at kukuha ng BS Electrical Engineering ay maliban sa nakuha na ang aspeto ng isang Computer Engineer kung saan napagsanib ang kaalamang Electrical Engineering at Computer Science ay makukuha din ang buong aspeto ng Electrical Engineering. Ganun din pag iniba ang sitwasyun, halimbawa natapos na ang BS Electrical Engineering at kukuha ng BS Computer Science.

Sa ibang bansa tulad sa Pilipinas ay may programang BS Computer Engineering o ang BSCpE ngunit may hiwalay din na programa at tanyag ito sa mga Ivy League na mga universities tulad sa Amerika at ito ay ang programang BSEECS.

Ang BSEECS ay tulad ng BSCpE ay pinagsama ang Electrical Engineering at Computer Science ngunit habang 50%-50% ang hatian sa BSCpE ng mga inaaral sa Electrical Engineering at Computer Science, sa BSEECS naman ay malalim ito sa Electrical Engineering at mga foundational Computer Science na kurso at mga specialization lang nito ang nakasama. Mababa sa 50% ng kabuuang kurso sa BS Computer Science ang sinama sa BSEECS ngunit ang mga piling kursong Computer Science na ito na bagkus ay kokonti ay halos sakupin ang buong kaalaman nang mga inaaral sa BSCpE.

Isa pang pagkakaiba ng dalawang programang ito, ang BSCpE at ang BSEECS ay ang pilosopiya ng programa. Sa BSCpE ay pinaninidigan ang tuon sa mga computer systems at madalas ito ay ang integration ng mga computer hardware at computer software. Sa BSEECS naman ay subset lamang ang mga ganitong tuon at pinaninidigan naman ng mga programang ito ang tuon sa kabuoang sakop sa teknolohiya ng isang Electrical Engineer na may kakayanan sa Computer Science.

Masasabing specialized ang BSCpE sa Computer Systems, Computation, at digital electronics at maihahalintulad ito sa BS Electronics Engineering (ang lumang BS Electronics and Communications Engineering) na specialized sa Electronics at Communications o ang transmission of information in analog or digital form.

Samantalang kung ang BSEE ay generalist sa lahat ng modern technology na may electricity o magnetism, o magkasama bilang electromagnetism, ang BSEECS naman ay generalist parin sa kabuuang Electrical Engineering field na may foundation na Computer Science.

Sa usaping mathematics, maraming magtataka bakit may kakayanan ang isang Computer Scientist sa Pure Mathematics na hindi naman inaasahan sa isang Electrical Engineer at Computer Engineer. Ang mathematics ng Electrical Engineering at ng kabuuang Engineering ay hindi nakatuon sa Pure Mathematics at bagkus ito ay nakatuon sa Applied Mathematics at dahil Physics parin ang isang engineering field tulad ng Electrical Engineering ay nangangahulugan na nag dedeal ito sa Physical World at ang mga mathematics para sa physical world ay continous mathematics kaya nga napaka importante ng set of Real Numbers pagdating sa higher mathematics na inaaral na sa engineering at makikita ito sa Calculus, Differential Equations, at Advanced Engineering Mathematics. Masasabing specialized applied mathematics ang inaaral sa lahat ng uri ng engineering.

Ang Pure Mathematics ay kakaiba at ito ay patungkol sa mga bagay na hindi madalas inaaral sa mga engineering programs. Ang Pure Mathematics ay ang larangan patungkol sa paggawa ng mga mathematical systems tulad ng Algebra, Geometry, Trigonometry, Numbers, Calculus, mga structures sa Abstract Algebra, ang Differential Geometry, at marami pa.

Kung ang Applied Mathematics ay mathematics na ginagamit sa pag lutas ng mga problema sa real world tulad ng mga ginagawa ng mga engineers, ang Pure Mathematics ay paggawa ng mga bagay na ginagamit ng Applied Mathematics.

Ang mga bagay na inaaral sa Pure Mathematics ay ang Mathematical Logic at kasama dito ang propositional logic at ibang mga uri nito, ang structures ng mga ito, at ang mga fallacies na resulta ng maling patterns dito. Ang Set Theory, upang maka describe ng mga problema na akma upang magamit ang propositional logic at makapag rason patungkol dito o maglutas ng mga problema patungkol dito. Ang mathematical notations na syang bumubuo ng language ng mathematics upang mailahad ang mga statements at operations gamit ang compact na pamamaraan. Dito rin mahigpit ang pag-aaaral sa mga mathematical proofs, paano ang paggawa ng mga proofs, at paano atakihin ang mga proofs.

Kung tutuusin, ang pundasyun ng nakararaming teknolohiya sa ating kapanahunan ngayun ay mula sa larangan ng inhinyerang elektrikal at agham ng kompyuter at masasabing natatangi ang pinagsamang Electrical Engineering at Computer Science.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™

“Malayuang Takbo Sa Linggo ng Gabi At Rebyu sa Pisika Maghapon”

Plano ang malauyang takbo mamayang gabi, mga 21km. Samantalang maghapon simula tanghali ay pag-aaral ay rebyu sa Pisika.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™