“Pasado Sa Integral Calculus at Ang Pagbabago Sa Pamamaraan ng Pag-Aaral”

Naipasa ko naman pala ang huling pagsusulit sa Integral Calculus. Medyo nagulat lang ako na maayus pala ang aking nakuhang iskor ngunit hindi parin ako kuntento at pakiramdam ko ay mediocre lamang ang aking naibigay.

Kaya naaman irerepaso ko ang mga pamamaraan sa aking pag-aaral at gagawin ko na araw araw ay may tig limang problemang pagsasanay na dapat ibinibigay sakin ng LLM upang maging natural ang problem solving sa Physics at Calculus.

Sa ngayun ay kelangan ko pa mag memorize ng formula, intindihin ang patterns paano ginagamit sa problem solving. Pag may problema na kelangan lutasin ay nag-aanalyze pa ako at kumakain ng oras. Ang ideal na paraan ay pag dumating ang problema na lulutasin ay dapat automatic agad na alam ko na ang formula at patterns ng hindi na kelangan pa mag analyze ng matagal. Ang solusyon dito ay practice, practice practice hangang maging natural na ito.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™