“Ang Physics for Engineers at Ang Integral Calculus”

Ang huling pagsusulit para sa kursong Physics for Engineers at Integral Calculus for Engineers na naitakda nuong nakaraang linggo ay tapos na. Kumpyansa ako sa pagpasa sa kursong Physics for Engineers ngunit hindi ako natutuwa sa Integral Calculus.

Bukod sa marami parin akong gaps na pilit ko hinabol, may mga paksang hindi ko napagtuunan ng pansin na syang maraming lumabas sa pagsusulit. Napakaimportante ng Integral Calculus dahil ito ang foundation ng mga susunod na advanced mathematics sa engineering tulad ng differential equations at iba pa. Lalo pa itong importante pag dating sa mga controls systems na syang aking kelangan.

Alanganin din na pumasa pa ngunit mas nanaisin nalamang ulitin muli ang kursong Integral Calculus upang mapagtibay ang aking pundasyun dito.

Maraming dapat baguhin sa aking pamamaraan sa pag-aaral. Lumalabas na hindi akma ang aking mga pamamaraang nakagisnan at dahil maaring mahirap talaga ang programang inhinyera.

Sa isang banda ay mahirap kumuha ng 2 major subjects sa terminong tag-init at kung sakaling kekelanganin ko kumuha sa susunod ay dapat iisang major course lamang. Tama din ang aking naisip na mahihirapan nga ako sa Integral Calculus kasabay ng Physics for Engineers sa katatapos na summer term.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™