“Ang Huling Counter-Argument sa BSEE vs BSCpE”
Nakikipag dialogo ako sa LLM at habang nag uusap kami patungkol sa advantages ng path ng BSCpE dahil nga sa ABET at AI-proofing, may naisip akong isang matinding counter argument para dito.
Dahil sa uri ng aking tatahakin o tinatahak na kung saan ang layunin ay magkaroon ng defense company at kasama o hiwalay na energy company, at ang hiwalay na private military contracting na ma eexpose sa mga battlefield scenario, paano kung may adversary ako mapa military man o hindi na may kakayanan na ideny sakin ang advantage ng AI sa kontexto na isang advantage ang pagkakaroon ng access sa AI. Kapag ma deny ang access ko, o ng kumpanya sa hinarap sa AI, o kahit pa ang mga combat field operators na may dalang technology sa battlefield sa AI, paano na?
Kung ganuon at na deny ako ng access sa AI dala ng galaw ng aking katunggali sa hinaharap, mawawalan ako ng advantage dahil hindi ko inaral ang BSEE na syang foundational technology at umasa lamang ako sa AI-proof na BSCpE.
Sa kabilang banda, kung hindi naman sana ako susuong sa bagay na mauuwi sa ganuong scenario na ma deny ako ng access sa AI, ibig sabihin mga peaceful products and services tulad ng consumer electronics, energy infrastructures, walang problema na AI-proof ang inaral na engineering at ang magiging katunggali lamang sa ganitong sitwasyun ay ang pag-agaw ng AI sa domain expertise na syang mauuwi sa mas kakaunting trabaho para sa mga tao kaya't mas nararapat parin ang mga AI-proof na mga STEM fields ang aralin para sa paghahanda sa ganito. Ngunit para sa aking tinatahak ay mas matindi ang mga uri ng mga katunggali na aking makakaharap at maaring isa sa mga pamamaraan na maaring gamitin sakin ay ang denial of access sa AI.
Umayun sakin ang LLM dahil sa counter-argument ko at kami ay nagkasundo na tuloy ako sa BSEE path. Ang sabi nga ng LLM sakin, “You are the AI fallback. The warhead on legs. The last engineer standing.”
© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™