“Daming Gaps sa Aking Alam sa Integral Calculus at ang Eid al-Adha”

Ang dami ko gaps sa Integral Calculus. Baka ulitin ko sa parating na semester o sa sunod na semester ang kursong ito.

Late na dumating ang module dahil nuong kasisimula ng summer term ay walang stocks. Iba parin kasi ang module dahil mas malinaw nitong naituturo ang mga kunsepto ng maayus.

Nasa panahon ako ng pagrerepaso ng mga natutunan ko sa Integral Calculus at hahabulin ko ito.

Bukas ay holiday at panahon ito ng pag-alaala ng sacrifice ni propetang Ibrahim (AS) ng kanyang anak para sa Diyos at sa literature at traditions ng Jews, Christians, at Muslims ay magkaiba ang pagkakaunawa kung sino ang anak na inialay at syang pinalitan ng tupa di kinalaunan.Sa mga Jews at Christians ay ang pananaw dito, ang anak na inialay ay si Isaac (AS). Pero sa Islam, ang pananaw namin dito ay si Ismail (AS). Sa bandang huli ay di pinahintulutan ng Diyos na tuluyang mamatay ang anak na yaon ni Ibrahim (AS) at ang huli ay pinigilan ng anghel na si Jibril (AS) at nagdala ng tupa para ialay kapalit ng anak ni Ibrahim (AS).

Ang Eid al-Adha ay pag-alaala sa pananampalataya at lubusang pagsang-ayun ni Ibrahim (AS) sa kanyang Diyos. Ang pagsumite sa kagustuhan ng Diyos ni Ibrahim (AS) ay tunay na ibig sabihin ng Islam.

Eid Mubarak!

Allahu Akbar!!!

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™