“Malayo na Ang Mga Paksa Sa Kursong Physics for Engineers at Integral Calculus for Engineers”

Masaya na mahirap ang pag-aaral sa programang BS Electrical Engineering. Kanina lamang ay pinakita ang aming grado sa pisika at nakahabol pa kami ng mga kulang namin na activities.

Sa hirap ko na naghahabol sa bilis ng takbo ng mga paksa dahil nga summer term ay ganuon lamang ang ratio ng aking grado sa overall at lumalabas na hindi pa sapat ang aking mga paghihirap sa pag-aaral.

Sa Pisika ay malayo na kami matapos ang mga paksa sa Classical Mechanics na inaaral ng mga inhinyero, ang Newtonian Mechanics kung saan inaral namin ng mabilisan ang Kinematics at Dynamics. Ngayun naman ay hinahabol namin ang mga kelangan sa Thermodynamics, Classical Electromagnetism at natalakay na ang DC Circuits, Resistance, at Current. Ngayun araw ay humabol ang Capacitance, Electrostatics, at ang Electric Potential.

Inaabangan ko kung kelan papasok ang Maxwell Equations dahil napaka importante nito para sa mga Electrical Engineers dahil ang mga Lumped Abstraction na gamit sa circuits ay gumagana lamang sa mga ilang kundisyon na madalas naman sa isang circuits ngunit may mga ilang situasyun na hindi na magagamit ang Lump Abstraction. Nakalimutan ko ang mga tuntunin para dito at itatala ko ito sa susunod kasama ang libro kung saan ko nabasa ito. May kinalaman ang kundisyun kung kelan gumagana ang Lumped Abstraction ay sa mga situasyung hindi na ito gumagana ay kelangan na gamitin ang Maxwells Equations at dito namamayagpag ang Electrical Engineering dahil kalimitan sa mga ganitong pagkakataon ay hindi na kayang hawakan ng mga ibang engineers ang mga aplikasyun ng gumagamit ng First Principles tulad ng paggamit ng Maxwells Equation para sa high frequency circuits.

Ganun din ang situasyun sa Integral Calculus at mga pinagod ko sa pag-aaral ay di parin nag resulta ng pabor para sakin at ang ibig sabihin nito ay kulang pa ang aking paghihirap at dapat pang doblehen.

Sa mga paksa ay malayo narin kami. Nag simula kami sa fundamental concept ng Definite Integrals at ang First Fundamental Theorem ng Calculus at sa kabila ng hindi naman natalakay ang Second Fundamental Theorem ng Calculus ay lumalabas parin ang implikasyun nito sa Indefinite Integrals. Sinundan ito ng mga Integrals na nauuwi sa mga functions na Logarithms at mga Exponentials at kaakibat nuon ay ang method ng u-Substitution. Natalakay narin namin ang Integration of Trigonometric functions kasama ang hyperbolic functions at ang Inverse Trigonometric functioins. Pati ang Integration by Parts. Sa kasalukuyan ay tinatalakay naman ang mga paraan ng Integrals sa mga trigonometric functions na ang exponent ay higit sa 2 at madadaanan ang Wallis Formula.

Maraming mga bagong insight patungkol sa pag-aaral ng mga patterns sa pag integrate ng iba't ibang functions na ngayun ko lang natutunan at nag explika kung bakit kelangan na ganun.

Malaking bagay ang pagtulung at paggabay sa aming mga estudyante ng college instructors or propesor sa mga kursong ito at malaking pasasalamat ito.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™