“Ang Lakbay Patungo sa Electrical Engineering at Ang Lawak Nito”
Sa matagal na panahon ay isa ako sa mga hindi alam ang larangan ng Electrical Engineering. Sa katunayan ay isa din ako sa ang akala patungkol sa Electrical Engineering ay sa mga kuryente, transmission lines, power generations and distribution lamang.
Nung umalis ako sa Hukbong Katihan ng Pilipinas ay nawalan ako ng identity at sabihin na nating nalagay ako sa limbo ng matagal na panahon upang hanapin ang sarili at minsan nang nag nagsabi ang isang tech lead sa isang proyekto na kinabibilangan ko at sya ring naging kaibigan na bakit hindi ako mag-aral muli ng pangalawang batsilyer, at ito ay sa Electrical Engineering. Ang tech lead na iyun ay isang venture capitalist na pumasok sa software engineering upang matuto ng technology sa pag-gawa ng mga software. Nabanggit nya ang BSEE sakin dahil alam nya na ako ay galing sa MS Computer Science at napansin nya na dahil ang mga interest ko matapos ako umalis sa MS Computer Science ay nag verge na sa hardware. Hindi ko pa ito pinakinggan dahil ang tingin ko sa Electrical Engineering ay pang Power Systems lamang.
Nagkataon din na sa proyektong iyun ay may kasama kami na isa sa magaling gumawa ng software at senior ito kesa sakin. Isang araw ay lumahok sya sa isang weekend workshop patungkol sa mobile robotics at tuwang tuwa nya itong naikwento sakin at sa aking gulat ay di ko inaasahan na madali sa kanyang maintindihan ang mobile robotics. Tinanong ko kung bakit at ang kanyang paliwanag ay isa syang Electrical Engineer at madali na sa kanya maintidihan ang mga bagay na ganun. Nag bigay ito ng curiousity sakin patungkol sa Electrical Engineering at ako ay nagtataka dahil ang buong akala ko ay malakihang kuryente ang domain ng Electrical Engineering kaya nga pang Power Systems lamang sila.
Sa isang banda ay marami na din akong nakausap na mga nagtapos ng BSECE o ang lumang Electronics and Communications Engineering na syang BS Electronics na ngayun at ang kanilang mga sinasabi ay ganun nga na pang malakihang kuryente ang Electrical Engineer at pag mga electronics ay mga ECE.
Dumating din sa punto na may mga nakita akong mga Electrical Engineers pero nasa larangan sila ng autonomous systems at robotics kaya mas lalo pa akong nagtaka.
Iba pa ang alaala nuong nasa BS Computer Science palamang ako at may isang katatapos lamang sa BSEE at ang negosyo ng kanilang pamilya ay paggawa ng mga transformers sa Baguio City at sa kalawanan ng Benguet at minsan kaming nagusap nito patungkol sa Assembly Language at alam nya ito at ganun din ang paliwanag nya na maraming aspeto ng makabagong teknolohiya ang sakop ng isang Electrical Engineer ngunit dahil madalas ko silang makita na dala dala ang transformer sa likod ng kanilang pickup truck ay talagang tumatak sa aking isipan na ang Electrical Engineer ay pang Power Systems lamang.
Nang ako ay pumasok bilang myembro ng IEEE ay dun ko naintindihan kung ano nga ba talaga ang larangan ng Electrical Engineering dahil duon ko rin nakita ang mga propesor sa iba't ibang unibersidad sa buong mundo pati na ang mga uri ng kanilang mga research, at ang mga professional Electrical Engineers na kung saan saang industriya sila namamayagpag at hindi lang sa Power Systems. Nabasa ko din ang kasaysayan ng Electrical Engineers sa mga artikulo sa IEEE at ang mga hamon sa paglago ng larangan.
Lumalabas na ang Electrical Engineering ay malawak at bagamat ang tuon sa ibang mga bansa tulad ng Pilipinas sa Electrical Engineering programs sa mga universidad ay ang Power Systems dahil sila lamang ang may kakayahan humawak nito o ang mas espesyalistang Power Engineers o mga Energy Engineers, ay kasama din sa kurikulum ang iba't ibang kaalaman patungkol sa Electricity at Magnetism, sa konteksto ng paglilipat ng enerhiya at sa paglilipat ng impormasyun. Ang mga Electronics and Communications Engineers ay huli na lumbas at mas huli pa ang Computer Engineers at ang mga ito ay tumuon na ng malalim sa kaninilang larangan na hawak parin ng Electrical Engineers.
Sa libro pa nga nila Carlson at Gisser [1, p. 2] ay nabangit ang sumusunod:
“Electrical engineering is a profession whose practitioners exploit electromagnetic phenomena and electrical and magnetic properties (and sometimes mechanical, thermal, chemical, and other properties) of matter to do useful things, i.e., someone will pay the engineers to do them. The “useful things” usually involve the processing of information or energy and sometimes both, as in the processing of information about energy in the relay protection of a power system; and the engineer's activities generally, but not always, involving equipment.”
Kaya kung may lalawak man na larangang ng engineering, taliwas sa paniniwala ng marami, ang malawak at tumatawid narin sa ibang larangan ng engineering at science ay ang Electrical Engineering.
Kasama din sa pagpapakita ng lawak ng Electrical Engineering ay ang table 1.1-1 sa [1, p. 3] na kung saan nilahad ang scale ng involvement ng isang Electrical Engineer ayun sa mga transcations at journals, mula devices, paakyat sa circuits and electronics, tapos sa malakihang systems integration, at ang cross-disciplinary:
Devices: – Antennas ang Propagation – Electrical Insulation – Electron Devices – Magnetics – Microwave Theory and Techniques – Nuclear Science – Plasma Science – Quantum Electronics and Applications
Circuits and Electronics: – Broadcasting – Circuits and Systems – Consumer Electronics – Geoscience Electronics – Industrial Electronics and Control Instrumentation – Instrumentation and Measurement – Solid-State Circuits
Systems: – Aerospace and Electronics Systems – Automatic Control – Communications – Computers – Information Theory – Pattern Analysis and Machine Intelligence – Software Engineering – Systems, Man, and Cybernetics
Cross-Disciplinary: – Acoustics, Speech, and Signal Processing – Biomedical Engineering – Cable TV – Components, Hybrids, and Manufacturing Technology – Education – Electromagnetic Compatibility – Engineering Management – Industry Applications – Oceanic Engineering – Power Apparatus and Systems – Professional Communication – Reliability – Sonics and Ultrasonics – Technology and Society – Vehicular Technology
Malawak ang larangan ng Electrical Engineering at mas kaya nitong humawak ng makabagong technolohiya, mas balanse din ang Electrical Engineering na tama lang ang lawak at lalim ng mga kaalaman na kelangan. Kung iisipin, ang Electrical Engineering ang pinakabalanse sa aspetong matematika, pisika, kemika, at sa modernong engineering.
Tatagal pa ang Electrical Engineering at sa kabila ng pag-usbong ng mga makabagong larangan ng engineering tulad ng Quantum Engineering ay hindi nito mapapalitan ang Electrical Engineering at bagkus ay magsisilbing specialist field din tulad ng Electronics and Communications Engineering, at ng Computer Engineering na nasa ilalim ng malawak na Electrical Engineering.
May mga Electrical Engineers na nasa field na ng mathematics, physics, chemistry, ang iba ay tumawid sa mechanical engineering, sa civil engineering, sa chemical engineering, sa aerospace engineering, sa ocean engineering, ang iba naman ay nasa geological sciences at tumutulong sa pag-aaral ng ibang mga planetary bodies, ang iba ay nasa material science at condensed matter physics at gumagawa ng mga novel materials tulad ng smart materials at meta mateirals, ang iba ay nasa CERN kasama ng mga scientist sa Physics at nag cocollaborate para sa paggawa ng mga devices tulad ng Large Hadron Collider mula hardware, software, integration, power systems, signal processing at marami pa. Ganun din at kasama din sila sa particle accelerators, sa nuclear reactors and nuclear power plants. Sa ilang mga okasyun pa nga ay nagiging Physics scientist ang isang Electrical Engineer. Pati ang malaking proyekto kung saan gumagawa ang humanity ng higanteng artificial Sun sa pamamagitan ng Plasma Fusion gamit ang higanteng Tokamak sa ITER project sa France, sa mga deep technology na defense companies ay andun din ang mga Electrical Engineers, pati sa NASA, at iba pa.
At dahil narin sa lawak ng Electrical Engineering ay isa rin ito sa pinakamahirap na uri ng engineering.
[1] A. B. Carlson and D. G. Gisser, Electrical Engineering: Concepts and Applications. Reading, MA, USA: Addison-Wesley, 1981.
© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™