“Ang K-12, at Ang Problema Nito”

Nabasa ko sa balita ang patungkol sa failure ng K-12. Isa ako sa mga hindi na inabutan ng programang K-12 at sa katunayan nuong natapos ko ang programang BS Computer Science nuong 2004 ay wala pa ang K-12.

Hindi ko alam kung tama ang aking pagkakaintindi sa problemang sinubukang lutasin ng K-12 kung bakit ito ginawa ngunit sa aking pagkakaintindi ay may kinalaman ito sa academic equivalency ng mga programan batsilyer na tinapos sa Pilipinas upang mahalintulad ito sa competency requirements pagdating sa ibang bansa.

Nuong wala pang K-12 ang mga graduates ng mga programang STEM ay nahihirapan gamitin ang kanilang tinapos na mga programang batsilyer sa Pilipinas pag dating sa ibang bansa. Katunayan ay ang mga nagtapos ng Electrical Engineering ng 5 years pag dating sa Canada ay marami pang pagdadaanan at mag-aaral muli upang maging engineer duon. Hindi engineer ang tingin ng ibang matatas na bansa sa mga graduates ng engineering sa Pilipinas at bagkus ay isang technician.

Ang naging solusyon dito ng mga nasa pwesto ay dagdagan ng dalawang taon ang highschool dahil uso sa ibang bansa ang K-12 na sya namang wala satin. Ginawa naman ito sa pagtatatag ng K-12 ngunit may ginawa din ang mga nasa pwesto na hindi tama.

Sa kabila ng pagdagdag ng dalawang taon sa highschool ay binawasan naman ang taon sa engineering programs sa mga programang batsilyer at nauso narin ang mga kolehiyo na bawasan ang kursong pisika sa mga engineering programs na kung tutusin ay dapat tatlo pa nga para sa engineers. Sa ngayun nauso ang isang kurso nalamang ng pisika sa engineering programs. Kapansin pansin din na ang pisika pala ng mga kolehiyo at unibersad sa engineering (pwera ang University of the Philippines, Ateneo de Manila Univerity, De La Salle University, di lang ako sigurado sa University of Santo Tomas at Mapua Insititute of Technology) ay hindi calculus based physics at kundi algebra based physics at malamang dahil ito sa pagkaka disenyo ng board exams para sa mga engineers.

Ang engineering program na ang physics ay algebra ay hinding hindi tatapat sa mga engineering programs sa mga matataas na bansa dahil ang physics nila dun sa kanilang engineering programs ay calculus based physics at ang algebra based physics ay pang highschool nila. Ang pangangailangan ng calculus based physics ay hindi simpleng requirements lamang. Maraming problema sa STEM na hindi kayang solusyonan o mahirap solusyunan pag ang physics ay algebra based lamang.

Sa aking opinion tama na dagdagan ng dalawang taon ang higschool tulad ng ginawa sa K-12 programs ngunit dapat din na mag step up ang curriculum nila. Ang Physics nila ay dapat comprehensive kahit algebra based physics yun. Kung ano ang tinuturo ngayun sa engineering programs na physics, ganun dapat ang physics ng highschool at dapat may panimula na sila sa calculus.

Pag dating naman sa haba ng engineering programs, pwede naman ang apat na taon pero dapat tatlo ang kursong physics ng engineering programs at hindi na dapat ito algebra based physics kundi calculus based physics na dapat. Isang semester para sa Classical Mechanics, isang semester para sa Classical Electrodynamics, at isang semester para sa Modern Physics. Bakit kelangan ang Modern Physics? Dahil maraming modernong teknolohiya ang gumagamit ng physics na wala sa Classical Mechanics at wala sa Classical Electrodynamics o Electricty at Magnetism at dahil dito narararapt na ang engineer lalong lalo na ang isang Electrical Engineer ay marunong sa modern physics tulad ng Quantum Mechanics at dapat natutunan narin ang Lagrangian Mechanics at Hamiltonian Mechanics dahil ganito ang mga engineering programs sa mga matataas na bansa tulad ng Amerika, Canada, Australia, at mga taga Europa.

Sa kabilang banda ay dapat repasuhin din ang Calculus ng engineering programs at gawing tatlo ito at imbes Calculus lamang ay nararapat na maging Calculus and Analysis 1, Calculus and Analysis 2, At Calculus Analysis 3, at ang tuon ng unang dalawang Calculus na kursong ito ay Differential Calculus at Integral Calculus samantalang ang ikatlo ay tutuon ng malalim sa Multivariable Calculus sa magkabilang Differential at Integral Calculus dahil maraming problema sa real world ng STEM ang nangangailangan ng malalim na kaalaman sa Multivariable Calculus.

Sa ganitong paraan ay magiging parehas sa level ng mga inaral ng mga engineers sa malalakihang bansa ang inaral ng mga engineers sa Pilipinas.

Ang aking kaibigan sa Alemanya na nag-aaral ng Pisika, nuong nag usap kami kamakailan lamang dahil naibigay ko sa kanya ang epsilon delta definition ng limit patungkol sa nauna naming debate at matapos kaming magkamustahan ay napagusapan namin ang katatapos na summer term para sa programang BS Electrical Engineering. Sya ay nagulat kasi ang kanyang expectation pag natapos ko ang physics sa summer ay alam ko na ang physics sa context ng engineering applications ngunit inaasahan din nya na calculus based physics ito na syang normal na sa kanilang engineering programs. Nuong kanyang malaman na algebra based physics ang aming physics ay pinagtawanan ako ng aking kaibigan at ang kanyang sinabi, ang aking naaral na physics sa BSEE ay hindi pang engineering at bagkus ay physics lamang ng isang highschool at ako ay nagulat at napagtanto ko nga naman na bakit walang calculus sa pinagdaanan ko na physics. Heto rin ang rason kung bakit hindi muna ako makakabalik sa sariling aral ng Theoretical Physics dahil kelangan ko habulin ang sariling aral ng calculus based physics. Dinagdag pa ng aking kaibigan sa Alemanya na ang native language ng physics ay hindi algebra kundi calculus.

Tingin ko upang maging tagumpay ang K-12 program ay hindi ito dapat alisin ngunit dapat itong irepaso upang ang kasalukuyang algebra based physics ng engineering ang kanilang maging physics at kasama ang panimula nila sa calculus, at kasabay din ng pag repaso sa mga engineering programs upang maging tatlo ang physics at maging calculus based ito, at maging tatlo ang calculus na analysis ang approach.

Masasabing hindi nga naman tagumpay ang K-12 program sa kasalukuyan.

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™