“Ang Aking Katangian”
Kahapon ay nagpaalam nako ng maaga sa aking mga katrabahong engineers para sa aking pag exit sa kumpanya sa kalagitnaan ng July at sa aking pag-retire sa career ng software engineer matapos ang 20 taong pamamayagpag sa industriya ng paggawa ng software, ngunit kapansin pansin na walang nag rereact at malamang siguro ay hindi natutuwa ang aking mga katrabaho na ako ay aalis dahil malaking load ng trabaho ang paghahatian nila.
Kanina pa ay may nag kumento patungkol sa trabaho bilang sagot sa isang kasamang babae patungkol sa planong outing at malinaw na ito ay isang pahaging saking pag-aalis at ang sabi pa “...walang gustong mawalan ng trabaho”, na malayong malayong sa kunteksto ng usapan nila.
Sa isang banda ay iba ang takbo ng aking pag-iisip kumpara sa kanila. Habang sila ay namomoblema tulad ng iba sa pagsecure ng mga trabaho, ako naman ay namomoblema kung kelan ko masisimulan ang pagtatayo ng sariling kumpanya sa mga industriyang aking gusto. Habang sila ay pinopoblema ang relasyun sa mga managers kaakibat ng matagalang pag stay sa kanilang mga trabaho, ako naman ay namomoblema sa knowledge, skills, research, and development ng mga ideyang aking naiisip para sa kumpanya. Kung sa iba ay minsan hindi nakakatulog sa pag-aalala ng seguridad ng kanilang trabaho, ako naman ay madalas hindi nakakatulog sa pag-aalala kung kelan at paano ko sisimulan ang mga kumpanyang gusto ko itayo kasama ang lakbayin sa BS, MS, at PhD dahil malaki ang kuntribusyon ng lakbayin akademikong pag-aaral pagdating sa deep technology.
Hindi ko naman sila masisi na ganun ang kanilang pananaw dahil karamihan naman ay ang gusto eh trabaho lamang at kokonti ang gusto ay magkaroon ng sariling kumpanya.
Ang katrabahong ito ay ilang beses ko narin nakausap at kahit hindi nya sabihin sakin ay alam ko na may unresolve issue itong taong ito sa kanyang ama na dating Philippine Constabulary kaya naman may mga ilang bagay na naging parte ng kanyang pagkakalinanlan na kunektado sa kanyang ama. Ang problema lamang ay may isang bagay syang hindi maintidihan sa kanyang ama at wala syang kamuang muang patungkol dito. Sa mga pagkakataong pilit nyang inaakap ang mga katangian ng kanyang ama ay napagkakamali nya ito sa pangangailangan ng Ego. Hindi nya naiintidihan na ang mga taong tulad ng kanyang ama ay hindi nabubuhay sa Ego kundi sa katangian ng isang Warrior.
Ang taong pumasok sa propesyun ng armas ay may ibang mentaledad at malayong malayo ito sa sibilyan. Ang mga taong ganito ay alam ang ibig sabihin ng disiplina, ang mahigpit na pagsunod sa utos ng mga nakakataas sa kanilang propesyun, ang pagtanggap sa panganib, at ang pag prioridad ng mga bagay na may kinalaman sa propesyung armado, at ang pagakap sa hirap ng kanilang paglalakbay sa ganitong uri ng propesyun. Hindi takot mag take risk ang mga taong ganito at walang puwang ang kaduwagan sa mga taong tulad nito. Isa din ako sa mga ganitong uri ng mga tao.
Naalala ko pa nga ang hindi maalis-alis sa aking isipan na isang bertud ng senior na sundalo sa hubkong katihan dati, isang beteranong Scout Ranger. Ang sabi nya sakin, dapat lagi akong handa sa mga pagbabago ng walang pag-aalinlangan at walang attachment sa mga bagay bagay upang sa oras na dumating ang hudyat na kelangan na gumalaw ay isusukbit ko nalamang ng ganun kabilis ang aking combat backpack kasama ang aking armas at ako ay papunta na agad sa lugar kung saan ako kelangan. Hinding hindi ito akma sa mga civilian na pamumuhay na sanay sa attachment sa stability, at hindi nila maiwan ang mga bagay na iyun pag kelangan lumarga para sa hamon ng pagbabago.
Hindi naman bago ang mga ganitong pananaw sakin bilang isang Stoic, Political Realist, Conditional Pacifist, at isang Muslim. Sa madaling salita, maliban sa may katangian akong visionary at builder na akma para sa isang deep technology founder para sa pagtatayo ng kumpanya, ay isa din akong Warrior. Kaya naman ang aking lakbayin sa buhay ay nakikita ko na lakbayin ng isang warrior at hindi ng isang ordinaryong nilalang.
Ang pagiging mandirigma o warrior ay hindi naman dahil marunong at sanay ka sa pamamaraang taktika at stratehiya, o dahil marunong ka at sanay ka bumaril, o di kaya ay marunong ka at sanay ka sa espada at patalim, o kahit pa sanay ka sa pakikipagtungaling pisikal ng walang armas, o dahil naka uniporme ka ng pulis o militar, o dahil armadong rebelde ka, o kahit ano pang projection ng isang warrior sa physical reality, ay hindi nangangahulugan na warrior ang isang tao. Ang mga bagay na ito ay sign lamang ng malalim na bertud at hindi ibig sabihin na may ganitong mga bagay ang isang tao ay isa nga syang warrior. Ang pagiging mandirigma ay philosophical, at ito ay ang pananaw sa buhay na may kelangan kang talunin na isang katunggali o isang adbersaryo na tao o bagay o pangyayari, upang makausad sa aspeto ng pamumuhay na makabubuti sa isang layuning makasarili o sa ikakabuti ng lipunan, at hindi ito minsanang pangyayari kundi pang-araw araw na pangyayari sa buhay ng isang mandirigma. Kaya nga ang warrior, pag wala namang pisikal na labanan sa buhay ay hindi umuupo lamang at nagpapakasasa sa sarap ng buhay at bagkus ay hahanap ito ng katunggali o adbersaryo, at maaring gagawa ang warrior ng mga bagay na kanyang kalalabanin tulad ng aktibidad ng isang atleta sa panahon ng kapayapaan ay tutuon ang warrior sa pagpapalakas ng katawan. Tatakbo ng malayo upang labanan ang lumang sarili, o lalanguy ng malayo, magbubuhat sa gym, mag eensayo sa martial arts, mag eensayo sa marksmanship, kukuha ng mga pagsasanay na mapapaunlad ang sarili sa ibang mga bagay ngunit lalong lalo na sa mga bagay na may kinalamaan sa labanan, o di kaya ay aakyat ng pinakamataas na bundok, o pupunta sa mga malalim at malayong lugar sa ilalim ng dagat, o di kaya ay lalayag sa laot sa gitna ng bagyo, at marami pa. Ang pagharap sa hamon ng hindi naduduwag o ibig sabihin kahit pa may ramdam na takot at pangamba ay may tapang parin na harapin ito. Samakatwid, ang mandirigma ay unang una sa puso at lumalabas nalamang ito sa anyo sa kinalaunan.
Pagbalik naman sa isyu ng aking pag-alis sa trabaho, kung mananatili ako dun, kelan ko pa sisimulan ang lakbayin ko sa pagtatayo ng sariling kumpanya sa mundo ng STEM, pag puti na ba ang Uwak o pag lubusan puti na lahat ang aking buhok at ako ay uugod-ugod na?
Habang tumatakbo ang oras, ang aking ideya ay ginagawa na ng iba kaya't kada may naiisip akong mga bagong solusyon o produkto, matapos ang 4 hanggang 10 taon ay nagugulat nalamang ako at nasa merkado na ang mga ito. Hindi na problema kung magigigng tagumpay ba ang aking mga ideyas sa deep technology dahil kapansin pansin na tagumpay ang mga ito. Ang problema ay kung sino ang maauna sa merkado sa industriya.
© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™