“Ang 21km na Gabing Takbo”

Simula na ng gabi nang ako ay tumakbo para sa 21km run at bumagsak ang ulan paglagpas ko sa lugar ng airfield sa may Baywalk road at ang sarap ng pakiramdam dahil dama pa ang init ng panahon ngunit nang bumagsak ang ulan ay basang basang ako at ramdam muli ang mga panahon ng mga takbo sa gitna ng bagyo at tag-ulan.

Marami din ang mga bisita sa tabing dagat ang mga nagmamadaling sumilong sa kanilang mga sasakyan at nag-alisan upang umuwi sa kanilang mga tinutuluyang mga resort.

Sa kabila ng aking pagkagalak dahil lumamig ang panahon sa kalagitnaan ng takbo ay sya namang pag-aalala ko dahil kumikidlat at tulad ng dati ay tuloy parin ako sa takbo kahit pa minsan nang tumama ang kidlat sa aking tabi ng mga 20 feet ang layo nang tamaan ng kidlat ang puno habang binabagtas ko ang kalsada ng Baywak sa takbo. Kung tatamaan ako ng kidlat at diretsong patay ay mas mabuti na kesa yung buhay ako at magtitiis sa injury ng pagtama ng kidlat. Pagdating ko Binmaley ay sya naman ang paghinto ng ulan at dama ko nanaman ang init ng lugar ngunit wala narin ang kidlat at ako ay ligtas na sa naka abang na panganib.

Binago ko din ang gait ng aking takbo at binalik ko ang forefoot landings mula midsole upang ang pressure ng impact ng bawat stride ay napupunta sa aking calves at hindi sa tuhod kaya naman nabawasan ang sakit ng tuhod sa takbo at napunta ito sa aking calve muscles at dahil dun ay kelangan ko bantayan ang pacing upang hindi ako abutan ng pulikat sa calve muscles.

Pag-uwi ko ay damang dama ko ang sakit ng aking talampakan at ang pagod ng aking binti lalo ang calve muscles. Sumakit din ang aking glutes o muscle sa pwet at ito ay matigas na parang bato habang tumatakbo at ang ibig sabihin ay tama ang aking running gait para sa forefoot landings.

Sa mga 10km na takbo ay hindi pa problema ang sakit ng talampakan at calve muscles dahil hindi pa ito nadadama ngunit sa 21km na takbo ibang istorya ito para sakin.

Ang lakas ng pangangatawan ay galing sa nag-iisang Dyos ni Abraham na sa wikang arabic na syang vernacular sa Islam ay tinatawag na Allah (SWT). Hindi habang buhay ang lakas ng pangangatawan at darating ang panahon na malalagutan din ako ng hininga tulad ng lahat ng tao, lahat ay babawian ng buhay dahil hiram lamang ang buhay na ito at habang nasa atin pa ang hininga ay ating pagyamanin ang lakas ng pangangatawan.

Allahu Akbar!!!

© 2025 Tony Stark Ng Tawalisi ™